Nice's POV♡♡♡
Almost a week rin akong nagkukulong sa condo unit ko. Oo! Dito lang talaga ako sa condo ko nagkukulong at kinokonsyaba ko ang mga employee ng condominium na tinitirahan ko na wag sabihin na nandito ako at kung may magtanong o maghanap man ay sasabihin na lang na umuwi ako sa bahay namin.
Sa totoo lang! Sobrang nasaktan lang ako sa nangyari sa buhay ko. Sobrang kinawawa ako ng mga tao sa Thomas University. Sobrang malas ko lang siguro dahil ang mga Campus Kings pa talaga ang nakapaligid sa akin.
Paulit-ulit ko nga sinabi sasarili ko at sa mga taong 'yon na gusto ko lang maging payapa ang buhay ko. Gusto ko lang maging maging tahimik ang buhay ko pero mas gumulo lalo dahil sa mga lalaking 'yon.
Kaya ito ako! One week akong nagpapahinga dahil nakakapagod din ang mga pangungulit nila at pang-iinsulto nila sa akin. Syaka nakakahiya about the viral video na andami ko pang natamong sugat at pasa.
Pero now! Magaling na naman siya e, naghihilom na ang mga sugat at pasa ko dahil sa nilalagay kong ointment pero ang sakit na nasa puso ko ay nandito pa rin. Hays!
Kung alam niyo lang talaga ang nangyari! Kung alam niyo lang kung anong nangyari sa buong week ko dito sa condo ko ay sobrang dami. Sobrang emosyonal ako sa buong week dahil nalaman ni Daddy at Tito Tristan ang nangyari.
Wait lang! Naalala ko na naman.
*Flashback*
*Ringggggggg*
Agad kong sinagot ang phonecall galing sa Dad ko ng tumawag ito.
"Hello po, Dad." bati ko.
["Ano itong viral video na ito, Nice?! Nagpapaapi ka ba ha? Pinagtutulongan ka ba?!"]
"Ahmm... po? Anong viral video po?" tanong ko pa.
["Wag ka na magkaila pa Nice na hindi mo alam ang sinasabi ko! Alam ko na alam mo ang sinasabi ko!"] singhal niya sa may linya.
Napabuntong hininga na lang ako at pinigilan na hindi tuloyan bumagsak ang luha ko na ngayon ay nangingilid na. "Sorry po."
["Sorry ka diyan! Lumaban ka! Walang Cabrera na mahina Nice ha? Cabrera ka ba o nagpanggap ka lang na Cabrera?!"]
["Kuya Tyron, sino yan?"] singit sa mismong phonecall.
["Ang peke mong pamangkin! Nagpapaapi si gaga! Tang-ina kasi e! I'm sure na hindi ko ito anak! Adik at ex convict din ang ina nito e!"] Ani pa ni Daddy Tyron na ikinabagsak na lang ng luha ko.
["Grabe ka kuya! Akin na nga iyan! Ako ang kakausap kay Nice."]
Napabuntong hininga na lang ako habang patuloy ang pagbagsak ng luha ko.
["Hello, Nice..."]
"Hello po Tito." mahinang ani ko.
["Pasensiyahan mo na Daddy mo. Hindi niya sinasadya... nakainom na naman e."]
"Okay lang po, Tito! Sanay na po ako. *hik*"
BINABASA MO ANG
The Campus Heartthrobs and Me
Teen Fiction[BOOK 4: Second Generation] Six (6) Campus Hearttrobs na mabibihag sa isang Campus Transferee. Magkakaiba sila ng ugali pero iisa lang minahal na babae. Campus Kings ang tawag sa kanila sa University. Sinasamba ng karamihan, sila ay magkakaibigan, m...