Nice's POV♡♡♡
Gusto ko lang naman ang tumahimik ang buhay ko kaya ako lumipat sa University na ito para lumayo sa gulo. Oo! Nakick-out ako sa dating school na pinasokan ko dahil nasangkot ako sa gulo ng ex ko.
Sana ito ang magiging sagot na tatahimik na ang buhay ko. 'Yong tipong malaya kong mahanap ang sarili ko, 'yong tipong malaya akong gumalaw na walang inaapakang batas, 'yong tipong makalaban ng patas na walang hinahawakang dahas.
Sana nga! Sana ang Thomas University ang magiging sagot ng kahilingan ko na maging matahimik ang buhay ko. Sana nga!
Lumabas agad ako sa kotse ko ng maipark ko ang ito sa may parking lots.
*BEEEEEEEEPPPPPPPPPPP*
Napakunot na lang ang noo ko dahil sa busina mg kotse na 'yon. Aba! Sa akin pa talaga nakatutok ang kotse niya. Ano bang problema ng taong ito?
*BEEEEEEEPPPPPPPPPPPPP*
Pagbusina niya ulit sa akin na ikinakunot na lang ng noo ko lalo. Ano bang problema ng taong ito? Gusto niya ba ng parking lot para sa kotse niya? Sorry na lang siya dahil naunahan ko na siya.
Maya-maya pa bumukas na lang ang pinto nito at lumabas ang lalaking ito na taas noo pa akong tiningnan nito. Lumapit siya sa akin na ikinabuntong hininga ko na lang nito.
"Bakit po?" Tanong ko sa lalaking nakatayo sa akin ngayon na iba ang tindig nito.
Sobrang iba ang tindig e, parang boss lang ng isang company na super bossy at strict sa mga employees niya.
"Anong bakit? Pwesto ko ang ginamit mo kaya kunin mo ang kotse mo." Taas noong sambit nito.
Sobrang suplado naman niya, pogi pa naman siya kaya lang suplado e.
"Ahmm... First come, first serve diba? Kaya dahil ako ang nauna, ako ang may karapatan na pumwesto dito." Mahinahon na sambit ko nito.
Napaiwas pa siya ng tingin nito sa akin at napabuntong hininga bago nagsalita. "Pwesto ko 'yan, pwesto ng isang SSG-President ng school at nakareserved na 'yan para sa akin ang slot na 'yan."
"So what?" Taas kilay na sambit ko nito.
"Anong so what? Uulitin ko lang ha, this is my slot kaya kunin mo ang kotse mo at ipark mo sa ibang slot!" Inis na sambit nito sa akin.
Wow! Ako pa talaga ang dapat mag-adjust ngayon? Ako ba dapat? Hindi porket na may posisyon siya sa school pwede na niya akong gaganitohin. Hindi pwede!
"Ahmm... Uulitin ko rin ha, ako ang nauna sa pwesto at slot na ito. Ako ba ang kailangan mag-adjust para lamang maipark ang kotse mo? Walang akong nakitang reservation dito! Walang nakalagay na SSG-President Slot o property mo!" Sambit ko nito at linampasan ang pagkainis niya nito. To the highest level e.
Oo! Dapat lang na lampasan ang pagkainis niya. Hindi porket na may power o position siya dito pwede na niya akong singhalan o kaya sigawan dito mismo sa public place.
"Hindi mo na nirerespeto kung sino ang kaharap mo? Uulitin ko ulit sayo, I'm a SSG-PRESIDENT in SHS Department in this University! Respetuhin mo naman kung sino ang nakakataas sayo!" Nanlilisik na sambit niya sa akin.
Oo! Sobrang nanlilisik na ang mata niya nito. Gigil na gigil na siya e, galit na galit gustong manakit.
"Paano kita rerespetuhin kung ikaw nga hindi mo ako marespeto? Kasasabi mo lang na SSG-President ka, you are a leader na dapat magiging role model. Pero bakit ngayon nakikita ko na sobrang bastos mo? 'Yan ba ang tamang leader para sayo? 'Yong leader na suplado, bossy, gusto niya siya ang masunod palagi at 'yong walang respeto?" Sambit ko nito na ikinatahimik niya sa sinabi ko. "No offense ha, I'm just telling the truth kung ano ang inasta mo ngayon." Sambit ko nito at tumalikod sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Campus Heartthrobs and Me
Teen Fiction[BOOK 4: Second Generation] Six (6) Campus Hearttrobs na mabibihag sa isang Campus Transferee. Magkakaiba sila ng ugali pero iisa lang minahal na babae. Campus Kings ang tawag sa kanila sa University. Sinasamba ng karamihan, sila ay magkakaibigan, m...