Nice's POV♡♡♡
Walang kami! Hindi kami! Hindi ko pa sinagot si Drex pero nasasaktan ako sa nasasaksihan ko. Nagbalik siya! May girlfriend siya! Sobrang unfair!
Bakit hindi man lang niya sinabi na may girlfriend pala siya? So... totoo pala ang accusation na may girlfriend si Drex at ngayon ay nagbalik na! Bakit kailangan pa umabot sa puntong ito na sasampalin ka ng katotoohanan na hindi kami bagay sa isa't-isa?
Kaninong kasalanan ba 'to? Kay Drex ba dahil hindi niya sinabi ang lahat? O sa akin na nagpabola o nagpabulag man lang dahil crush ko siya?
Ang tanga ko! Sobrang tanga ko sa part na naman na ito!
Tumalikod na nga ako at lumabas sa bahay nila na ikinabagsak ng luha ko. Kanina pa ako nasasaktan e... lunok laway nga lang ang ginagawa ko para mapigilan ang pagbagsak ng mga luha ko na kanina pa gustong kumiwala.
"Nam! Wait!" rinig ko na pagsunod niya sa akin.
Kilala niyo naman siguro kung sino ang tinutukoy ko, 'di ba? Kilala niyo na kung sino ang tumatawag sa akin ng Nam. Kaya kilala niyo na kung sino ang sumunod sa akin!
"Nam, please..." paghawak niya sa kamay ko.
Napahinto ako sabay buntong hininga ng malakas. Maya-maya pa nagtungo siya sa may harapan ko at tiningnan ako ng diretso sa mata.
"Sorry... let me explain." ani niya.
"Ahmm..."
"Please... give me a chance," saad niya. "Magpapaliwanag ako at ipapaliwanag ko ang lahat sayo."
"Hindi mo naman kailangan magpaliwanag pa," sabi ko.
"Ha? What do you mean ba?" kunot noo niya.
"Kasi first and foremost, hindi naman talaga tayo! Wala namang ikaw at ako. Wala naman tayong relasyon. Walang tayo!" sambit ko sabay lunok ng laway ko. "Kaya okay lang sa akin. No need to explain from everything, Drex. Wala kang dapat ipaliwanag... siguro nga ako pa dapat magpaliwanag e." dugtong ko.
"No! Nam, wala pa ngang tayo pero kailangan ko pa rin magpaliwanag sayo to enlighten your mind at para patuldokan ang ibang naiisip mo sa nasaksihan mo kanina." sabi niya sa akin. "Nam... maniwala ka sa akin na hindi ko talaga alam ang pangyayari kanina! Hindi ko alam ang pagsulpot ni Hush kanina." paliwanag niya.
"Kita naman sa reaksyon mo kanina na hindi mo alam e. You're a cute guy lang na nagulat sa pangyayari kanina," sabi ko. "Pero... sino si Hush sa buhay mo?" tanong ko.
Ewan ko ba! Alam ko na naman ang tanong. Alam ko na girlfriend niya dahil nga hinalikan pa siya mismo sa lips sa maraming tao. Alam ko na naman ang sagot... pero gusto ko lang talaga marinig sa mismong bibig niya.
"Ahmm..." hindi niya madiretso ang sasabihin niya.
"Girlfriend mo?" lunok laway kong tanong sa kanya..
"No!" diretsong sagot niya. "I mean... I'm not sure!"
"Huh?" kunot noo ko.
"It's a long story, Nam. Pero okay sige... iexplain ko sayo. Ikwekwento ko sayo kung sino siya sa buhay ko. Pero sana naman walang magbabago sa atin," sabi niya.
Napabuntong hininga na lang muli nito.
"Okay." ani ko.
"Si Hush, nagiging girlfriend ko. Siya ang partners ko in crime in terms of music. She inspired to play an instruments, siya ang nagpabago ng buhay ko," ngisi niya.
BINABASA MO ANG
The Campus Heartthrobs and Me
Teen Fiction[BOOK 4: Second Generation] Six (6) Campus Hearttrobs na mabibihag sa isang Campus Transferee. Magkakaiba sila ng ugali pero iisa lang minahal na babae. Campus Kings ang tawag sa kanila sa University. Sinasamba ng karamihan, sila ay magkakaibigan, m...