TCHAM 09: Suntok

342 10 13
                                    


Nice's POV

♡♡♡

"Excuse me?!"

Awtomatiko akong napahinto sa paglalakad at inangat ang mukha ko para tingnan ang grupo ng mga babae na nakataas kilay pa sa akin.

Nakauniform sila! Ibig sabihin students sila dito sa University na pinasokan ko.

"Nice Montero-Cabrera, right?" tanong ng isang babae na nasa gitna pa.

Ito ba ang leader nila? Ano ba ang kailangan nila sa akin? Bakit kilala nila ako? E, kabago-bago ko pa nga sa University na 'to e.

"Uhmm... yes," sagot ko.

Napabuntong hininga na lang sila sa sagot ko sabay irap nito.

"Ano pala ang kinain mo?" tanong nito.

"Ha?" kunot noong sabi ko.

"E, kasi sobrang landi mo! Hipon ba ang kinain mo? Higad ka ba? Sobrang kati mo! Kabago-bago mo pa lang dito sa University. Andami mo ng nilandi! Nilalandi mo ang Campus Kings." sambit niya.

Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi niya. Sinong nilandi ko? E, wala nga akong alam kung sino ang nilalandi ko e. Fake news naman itong babaeng ito! Trolls masyado.

"Excuse me? FYI, wala akong nilandi. Syaka Campus Kings ba kamo ang sinasabi niyong nilalandi ko? It's a big NO! Wala akong sinumang nilandi sa kanila dahil mga masasama ang mga ugali nila." matapang na sagot ko.

"Ang kapal talaga ng mukha mo para sabihan na masasama ang ugali ng mga Campus Kings! Kilala mo ba kami?!" taas kilay na sambit nito.

"Oo! Kilala mo ba kami?!" sabay-sabay na ani ng mga alagad niya.

Napakunot na lang ang noo ko sa sinabi nila.

"Sino ba kayo?" tanong ko.

"Kami lang naman ang mga fans ng mga Campus Kings!" sabay-sabay nilang sambit na ikinalaki ng mata ko.

Wait! Ito ba ang mga supporters ng anim na 'yon? Ito ba ang mga kagrupo ni Dani na sinabi nilang mang-iingat ako baka hindi ko magustohan ang gagawin nila? Ito ba ang diehard supporters ng anim na ito?

"Ngayon, kilala mo na kami Nice Montero Cabrera. Dahan-dahan ka sa sinasabi mo ha!" sambit na naman ng babaeng na nasa gitna.

"Oo nga! Wag kang masyadong epal!" sabi ng isa.

"Wag kang masyadong malandi!" Singhal na naman sa isa.

"Wag kang masyadong makati!" ani naman ng isa.

"Kung malaman namin ulit na nilalandi mo ang mga Campus Kings! Mark my words, makakatikim ka ng batas ng nag-iisang Lucy Perez!" panduduro niya sa akin.

Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi niya at kinakalmahan ang sarili ko. Hindi naman kasi ako dapat matakot sa kanila e, kaya kong protektahan ang sarili ko. Kaya kong makipagsabayan sa kanila.

"Tara na girls! Sinayang lang natin ang oras sa babaeng transferee na 'to." sambit muli nito sabay talikod.

Napasunod naman ang lahat sa leader nila. Feeling ko 'yon ang presidente ng fanclub nila dahil sunod-sunuran kasi ang lahat. Syaka ano ulit pangalan ng babaeng 'yon? Lucy? Lucy Perez? LucyPer-ez!

Napabuntong hininga na lang ako muli ng makalayas na ang mga babaeng 'yon sa harapan ko bago ako nagpatuloy sa paglalakad papasok ng University.

☆☆☆

The Campus Heartthrobs and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon