TCHAM 22: Sorry

233 9 2
                                    


Nice's POV

♡♡♡

*KRINGGGGGGGG*

"Class Dismissed!"

Agad naman nagsitayuan kaming lahat para lumabas na ng classroom namin. Oo! Uwian na, makakarelax na naman ako sa mga stressful na nangyayari sa araw ko ngayon.

"Mauna na ako sa inyo ha. Pupuntahan ko pa si Denise, ililibre ko pa ang bestfriend ko." rinig kong sambit ni Fighter sa mga kaibigan niya bago ito lumabas.

Agad ko naman inayos ang gamit ko bago lumabas at iniwan na ang mga natitira sa classroom dahil hindi naman kami close sa mga campus hearttrobs e. Mga bwisit nga yon sa buhay ko! Minamalas ako dahil sa kanila.

Taas noo na lang akong naglalakad sa hallway para magmukhang fierce sa paningin sa mga chismosang students dito sa Thomas University. Dapat makita na nila akong matapang ngayon na dapat katakotan!

Bahala silang tumingin sa akin! Bahala silang mainggit sa akin! Basta ako, wala akong ginawang masama sa kanila at mas lalong hindi ko nilalandi ang mga ugok na mga campus kings na 'yon except for my crushie babe na si Drex Santos.

"Nam... Nam!"

Napahinto na lang ako sa boses na 'yon bago nilingon siya. Kilala niyo naman sino ang tumawag 'di ba? Siya lang naman ang tumatawag sa akin ng Nam.

"Nam." sambit niya ng makahinto ito sa paghabol sa akin.

"Bakit?" tanong ko.

"Ahmm... Tumawag pala sa akin ang car repairing shop na okay na daw ang kotse mo. So, ihahatid ko na lang siya mamaya or bukas sa condominium mo." sabi niya.

"Totoo?"

"Oo nga."

"Magkano ang bayad? Babayaran ko na lang siya." sabi ko at hinukaykay ang bag ko para kunin ang wallet ko.

Nagulat na lang ako sa susunod na action niya ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko na ikinatigil ko sa paghuhukaykay sa wallet ko.

"Nam," natingin pa ako sa mukha niya na ikinakaba ko pa sa ginagawa niya. "No need na. Libre ko na 'yon sayo, ihahatid ko na lang siya sa condominium niyo. Syaka pambawi ko na lang siguro 'to sa ginagawa ng mga supporters namin sayo." ani niya bago binitawan ang kamay ko.

Napabuntong hininga na lang ako at inayos ang sarili. Ang gwapo talaga ni Drex Santos e. Paano ba 'to ginawa ng magulang niya na feeling ko sobrang perfect na? E, gwapo na nga sobrang bait pa.

"Uhmm... sige, alis na ako! Thank you in advance." sabi ko.

"Wait lang!" saad niya. "Ahmm..  pwedeng manghingi ng number mo? Para maupdate naman kita kung kailan ko ihahatid." saad niya.

"Okay sige."

"Dito muna na lang isulat." sabay bigay niya sa akin sa palad niya.

Napabuntong hininga na lang ako bago kumuha ng ballpen at sinulat ko ang number ko sa malambot at walang kakalyo-kalyo niyang palad.

"Done!" ngiti ko na ikinangiti niya. "Sige, alis na ako." pagtalikod ko sa kanya.

Nagmamadali akong naglalakad nito palabas ng campus. Sa totoo lang talaga! Gusto kong tumalon sa kilig dahil sa ginawa ni Drex sa akin kaya lang ang chismosang students ng T.U nakamasid sa akin at sobrang lagkit ang tingin nila sa akin. Kaya wag na lang! Baka magkaka-issue na naman.

The Campus Heartthrobs and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon