TCHAM 06: Beastmood

382 9 28
                                    


Nice's POV

♡♡♡

"Mr. Alfonso!"

Napalingon kami lahat sa katabi ko sa biglaang sigaw ng teacher namin ngayon na beastmood dahil sa nakasunglasses na si Khalex the manyak sa tabi ko.

Mukhang natutulog ang lalaking 'to dahil nga naman sa sobrang boring na discussion ng history subject namin. Hindi ko naman siya masisisi dahil sobrang nakakabored nga naman talaga ang subject na history.

"Mr Alfonso!" sigaw na naman ng teacher namin sa katabi ko.

"Ano na naman ba?!" pabalik na hiyaw ng lalaking 'to sabay tayo at tinanggal ang sunglasses niyang suot.

Ang angas grabe!

"Nakikinig ka ba sa lecture ko?!" taas kilay na tanong ng teacher namin sa kanya.

"Ha? Nagtuturo ka na ba?"

"MR. ALFONSOOOOO! GET OUT!" sigaw na sobrang lakas pa ng teacher namin na halos mapuputol na ang ugat nito dahil sa inasta ng bastos na manyak na Khalex.

"Can't get out!" Asal ni Khalex.

"Please, get out!"

"Can't get out!" Pag-ulit niya muli.

"🎶I got you stuck in my mind. Can't get out Can't get out. Please get out.🎶" biglang kanta ng mga kaklase ko na ikinakunot na lang ng noo ko.

May kanta pa lang ganun? Edi bale na, search ko na lang mamaya ang lyrics na 'yon.

"TUMIGIL KAYO!" Singhal ng teacher namin na ikinatahimik na lang ng lahat sa classroom.

"E, mukhang kinikilig ka Ma'am e." tukso ni Manner sa guro namin.

"Isa ka pa Mr. Alcantara! Get out! Kayong dalawa ni Mr. Alfonso, lumabas na kayo nowwwwwww!" Parang tigre na talaga ng teacher namin sa ginagawa ng mga hinayupak na 'to.

"Grabe... dapat talaga kami ang mag-adjust ma'am?" tanong ni Khalex nito.

Grabe talaga ang lalaking ito e. Hindi na talaga nirerespeto ang mga teacher namin. Napapasampal na lang ako sa noo ko sabay hilot nito dahil mukhang umuusok na rin ang ilong ko sa galit sa Khalex Alfonso na may black eye ngayon. Nakakaubos naman talaga ng pasensiya ang lalaking 'to! Nangigigil ako!

"Khalex, tumigil ka na! Wag mo ng palakihin pa ang gulo." awat ni Mr. Leader na si Fighter na akala mo sobrang bait pero puno rin pala itong suplado sa kaloob-looban nito.

"Nastress ako sa inyo." sambit ni ma'am at napahilot na lang siya sa may sintido niya.

"Weeh di nga? Crush mo ba ako ma'am?" Hirit pa ni manyak na Khalex sabay kindat sa teacher namin.

"Asa ka!"

"Asus... crush mo yata ako e." tukso muli nito.

Grabe! Pati teacher may balak pang tuhogin ng manyak na 'to. Ano bang level ang kamanyakan niya? Parang 110% the highest level na e.

"Khal, wag kang ganon. Teacher natin si Ms. Bernales, wag mong dalhin ang pagiging player at pervert mo dito sa classroom." sambit ni Skyler na sobrang seryoso nga naman talaga sa pag-aaral.

Pero hindi pa rin ako makaget-over sa sinabi niya kanina na sinabihan niya akong maganda, mas maganda, pinakamaganda at magiging tutor ko daw siya. Hays! Hindi ko naman kailangan ng tutor e... pero suitor? Achus!

"Oo nga e. Sana ganon ang magiging mindset mo Mr. Alfonso. Gayahin mo kaya si Mr. Skyler Javier. Siya ang tunay na estudyante dito na marunong rumespeto sa teacher nila," sambit ni Ms. Bernales na ikinatahimik na lang ni Khalex na 'to.

The Campus Heartthrobs and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon