TCHAM 25: Invitation

212 9 4
                                    


Nice's POV

♡♡♡

Tama ba ang nagiging desisyon ko kahapon? O baka nagpadalos-dalos lang ako? Hays! Pero hirap naman kasing bawiin 'yon e. Nasabi ko na at binigyan ko na sila ng chance na ligawan ako. Ako siguro 'yong dakilang marupok! Pero bahala na nga! Nanliligaw pa naman sila e... hindi ko pa naman sinasagot ang isa sa kanila.

Pero ngayon ko lang narealize. Nakakatakot ang pinasok ko. Kasi naman magkakaibigan yon sila... tapos may posibilidad na masira iyon! Baka ako pa ang dahilan para masira ang friendship nila.

Nakakainis! Bakit ba hindi ko naisip 'yon? Ayaw ko pa naman sa lahat na may nasaktan ang tao dahil sa akin. Dibale na ako ang masaktan, basta hindi lang ako makapanakit ng iba. Pero hindi naman din ako ganun kasama para maghiganti sa nanakit sa akin.

Hehehe! Mapanakit pala akong tao. Sinaktan ko pala si Khalex the manyak sa ginawa niyang pambabastos sa akin, minsan ko na rin sinaktan si Spark sa mga salita ko. Pero si Drex? Parang hindi ko kaya masaktan si crushie babe ko.

*Ting*

Lumabas ako ng elevator ng bumukas ito. Oo! Papasok na ako ng school ngayon Panibagong araw panibagong laban na naman ito para sa akin dahil nga sigurado akong pagchichismisan na naman ako sa students ng Thomas University.

Lumabas ako ng condominium na ikinahinto naman ng familiar na kotse sa harapan ko. Napakunot pa ang noo ko na hinintay na lumabas ang may-ari nito. Ganon na lang ang laki ng mata ko at napangiti na lang ng konti sa paglabas ni Drex sa may kotse niya.

"Hi, good morning." bati niya sa akin.

"Hello, anong ginagawa mo dito?"

Napabuntong hininga si Drex sa tanong ko bago ako nilapitan nito. Ito na naman siya! Naaamoy ko na naman ang mabango niyang perfume. Ang bango talaga ni Drex Santos! Nakakaadik ang amoy niya.

"Nam, nandito ako para sunduin ka. It's part of courting, 'di ba? Part ng panliligaw ko na susunduin at ihahatid ka." seryosong sambit niya.

"Ahmmm..." napakamot na lang ako sa batok ko at umiwas ng tingin sa kanya.

Ewan ko ba! Kinikilig ako sa sinabi niya. Iba talaga siya e. Nahahanap talaga ni Drex ang kiliti ko para maging marupok sa kanya.

"Bala!"

Napalingon ako sa boses na 'yon. Taeng-ina! Si Khalex nandito rin na kababa lang din sa kotse niya. Bakit biglang sumulpot ang manyak na ito? Napakunot ang noo ni Khalex ng makita niya si Drex sa harapan ko at nagmamadali pa itong nilapitan kami.

"Khal, anong ginagawa mo dito?" tanong ni Drex kay Khalex.

"Ikaw, anong ginagawa mo dito?" pabalik na tanong ni Khalex the manyak  kay crushie babe ko.

"Nandito ako para sunduin si Nam." sagot ni Drex.

"Susunduin mo si Nam?" ani niya. "Asa kang sasama siya sayo! Sa akin sasama si Bala ko! Ako ang susundo sa kanya." paghawak ni Khalex sa kamay ko.

"Khal, Ako ang nauna!" paghawak naman ni Drex sa kabila kong kamay.

"Drex, wag ka nang umasa pa! Sa akin sasama si Bala ko..." saad ni Khalex kay Drex. "Di ba Bala, sa akin ka sasama?" tanong pa niya sa akin.

"Huh?"

"Nililigawan kita, Bala. Kaya naman nandito ako para sunduin ka dahil ito ay responsibilidad ko bilang manliligaw mo." sambit pa ni Khalex sa akin.

The Campus Heartthrobs and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon