Nice's POV♡♡♡
"Ano ba bitawan mo nga ako Spark!" lakas loob kung hinablot ang kamay ko sa mga kamay ni Spark.
Napahinto na lang kami sa paglalakad sa lugar na 'to na ikinabuntong hininga namin pareho. Ewan ko, ano bang dapat na magiging reaksyon ko na kasama ko na naman siya? Dapat ba akong magalit sa kanya dahil sa ginawa niya?
"Nice..." sambit niya sa akin nito na ikinatingin ko na lang sa kanya.
Ewan ko, pero awkward talaga ang nararamdaman ko ngayon sa lalaking kaharap ko. Napabuntong hininga na lang ulit ako habang tiningnan siya nito na sobrang seryoso nakatitig sa akin.
"Sorry." sambit niya.
Ito na naman siya sa sorry niya, ito na naman siya sa salitang 'yan, ito na naman ang paulit-ulit na sinasabi niya. Napaiwas ako ng tingin sa kanya at nagsalita na hindi siya tiningnan nito ng diretso.
"Okay lang," mahinahanong sambit ko nito.
"Okay lang ba talaga?" tanong niya na ikinalingon ko sa kanya.
Ewan ko, pero biglang nanginig ang mga mata ko sa sinabi niya. Feeling ko ngayon may namumuong luha sa mga mata ko dahil sa tanong niya.
"Sa tingin mo ba magiging okay ako sa ginawa mo?" tanong ko bigla na ikinatahimik niya.
Baka kasi hindi siya awared sa nangyari e. Kaya binalik ko na lang ang tanong sa kanya. Pero sa totoo lang, nasasaktan ako sa ginawa niya sa akin noon.
"Kailangan pa ba talagang tanongin na okay lang ba ako kahit alam mo na hindi ako okay?" tanong ko muli sa kanya na pinigilan ang pahulog na luha ko.
Oo! Gusto ng kumiwalas ang luha ko ngayon, nararamdaman ko na mahuhulog na siya sa mga segundo habang kaharap ang lalaking kinakamuhian ko.
"Sorry," pag-ulit niya sa sinabi niya kanina at yumuko pa ito.
Pasimple ko namang pinunasan ang mata ko nito ng nararamdaman ko ang init ng luha na bumagsak na.
"Hindi mo ba talaga ako kayang patawarin?" tanong nito sa akin habang tiningnan Napatingin pa siya sa akin.
"Sa tingin mo ba mapapatawad kita?" tanong ko na ikinatahimik na lang niya. "Spark, ang laking gulo ng ginawa mo sa University ko dati. Dinamay mo ako sa gulo mo kaya na kick-out ako dahil akala ng University ako ang nagpasimuno ng lahat, Spark!" dugtong ko.
Natahimik na lang siya sa sinabi ko. Gusto niya sigurong masampal ng katotoohanan e, gusto niya sigurong masaktan ko pa siya sa mga salita ko na mabibitawan ko.
"Ano pa ba talaga ang gusto mo?" Tltanong ko sa kanya.
Napaseryoso ang tingin niya sa akin bago siya nagsalita. "Isa lang naman ang gusto ko e,"
"Ano?"
"Bigyan mo ako ng isa pang chance at itatama ko ang lahat ng meron tayo, Nice." sagot nito na ikinaiwas ko na lang nang tingin sa kanya.
Seryoso ba siya sa sinasabi niya? Nanghihingi siya ng isa pang chance para itama ang lahat, para saan pa? E, huli na nga ang lahat dahil na kick out na ako sa University na pinasokan ko.
"Please baby," sambit nito na ikinabuntong hininga ko na lang sa pagtawag niya sa akin ng endearment namin dati.
"Spark, hindi ka ba nandidire?" tanong ko nito.
"Bakit naman ako mandidire? Alam mo naman dati pa diba? Okay naman tayo dati at mahal natin ang isa't-isa." sambit nito.
"Dati 'yon!" sambit ko. "Dati pa 'yon na mahal natin ang isa't-isa." sambit ko na ikinangilid ng mga luha ko muli.
BINABASA MO ANG
The Campus Heartthrobs and Me
Tienerfictie[BOOK 4: Second Generation] Six (6) Campus Hearttrobs na mabibihag sa isang Campus Transferee. Magkakaiba sila ng ugali pero iisa lang minahal na babae. Campus Kings ang tawag sa kanila sa University. Sinasamba ng karamihan, sila ay magkakaibigan, m...