TCHAM 07: Daddy

401 7 11
                                    


Fighter's POV

♡♡♡

"Labas! Lumabas muna ang lahat!" singhal ko sa mga kasamahan ko na nandito sa may SHS SSG-Office ngayon.

Agad naman silang lumabas na bakas sa mukha nilang lahat ang taranta habang dala-dala ang mga gamit nila.

Napabuntong hininga pa ako bago nilingon ang kaibigan ko na nasa pintuan ng office bago sila pumasok na magkagalit pa rin ang mga mukha nito. Sinirado ko agad ang pinto dahil kailangan namin ng privacy sa pag-uusapan namin.

"Ano bang nangyari sa inyo?! Kailangan ba talagang mag-away kayo sa harapan ng maraming tao sa publikong lugar?" tanong ko na ikinatingin nila sa isa't-isa.

Napabuntong hininga pa si Spark bago sinagot ang tanong ko. "Hindi naman masyadong maraming tao sa canteen diba. Wala pa namang break time, kaya ang iba nasa class pa nila."

"Kahit na! May mga tao pa rin na nakasaksi sa ginagawa niyo, syaka sa publikong lugar pa rin 'yon. Ano bang nangyari sa inyo?!" singhal ko sa kanila.

Napabuntong hininga sila ng sabay-sabay sa sinabi ko at napayuko na lang ito.

"Dati okay naman tayong lahat ha?! Pero noong dumating ang babaeng transferee na 'yon. Umiba bigla ang mga ugali niyo. Nagkakagulo na kayo." saad ko na pinipigilan na hindi umusok ang ilong ko sa mga kaibigan ko na nasa harapan ko ngayon.

"Wag mong idamay si Nice dito, Fighter." sambit ni Spark sa akin na ikinakunot ng noo ko.

"Hindi ko naman dinamay ang babaeng 'yon e! Pero teka nga lang Spark, bakit todo protekta ka sa babaeng 'yon?" tanong ko sa kanya nang diretso.

Napatingin naman ang iba sa kanya na ikinaiwas niya ng tingin sa amin.

"Oo nga! Ano ba talaga ang problema mo Spark? Bakit ganito ka na lang kagalit sa akin kapag tinatawag kong Bala ang Bala ko?" tanong naman ni Khalex kay Spark.

Nakita ko naman ang pagdugtong ng kilay ni Spark nito habang tiningnan si Khalex.

"Ano bang problema mo Spark? May problema ka ba sa akin or what? Diba nagsasabihan naman tayo ng mga problema diba dati pa? Ishare mo naman yan sa amin ngayon lalo na't kumpleto tayo." kalmadong tugon muli ni Khalex kay Spark.

"Problema? Kayo!" maangas na sagot ni Spark na ikinakunot ng mga noo namin.

"Pati ako kasali?" tanong ni Manner nito na hanggang ngayon may lollipop pa rin sa bibig niya.

"Kuya, ano na naman ba 'to?" sambit naman ni Sky sa kakambal niya.

"Nainggit ka ba? Nagseselos ka ba? Nasasaktan ka ba? Anong problema mo, Spark?" seryosong tanong ni Drex kay Spark.

"Hotseat lang? Pinagtutulungan niyo ako!" taas-noong sambit nito sa amin.

"Spark, hindi ka namin pinagtutulungan. Ano ba talaga ang problema mo?" tanong ni Drex muli.

"Ikaw." diretsong sagot ni Spark.

"Okay. May problema ka sa akin? Maari ko bang malaman 'yon? Sa akin ka galit diba, wag mo na lang idamay ang iba. Mag-usap tayo ng masinsinan ngayon," sambit ni Drex nito na ikinabuntong hininga pa niya bago niya nilapitan si Spark nito. "Ano ang problema mo sa akin? Tungkol ba ito kay Nam?" tanong niya muli.

"Tsk! Alam mo naman pala. Nagtatanong ka pa?" Smirk ni Spark at umiwas pa ng tingin.

"Kami ni Nam. We are a good friend naman e. Wala naman siguro mali sa aming dalawa." Sagot ni Drex.

The Campus Heartthrobs and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon