TCHAM 37: Ball Game

203 6 0
                                    


Nice's POV

♡♡♡

"Khalex! Kailangan pa ba akong pumunta sa practice mo?" tanong ko kay Khalex habang hawak niya ang kamay ko pupunta sa basketball Court.

"Yes naman, Bala! I need you... as my inspiration." pagkindat niya sa akin.

Napairap na lang ako sa kanya. Nakakabwisit lang talaga ang lalaking ito e! Gusto ko sana siyang takasan pero hindi ko man lang alam kung paano. Nakakahiya kasi kung aawayin at sasaktan ko na naman siya ng physical lalo na't naglalakad kami sa hallway papunta sa court.

Napabuntong hininga na lang ako dahil sa pinaggagawa ng lalaking ito sa buhay ko. Bwisit lang talaga! Sobrang nakakabwisit! Pero ang gwapo naman niya at sobrang bango lalo na't suot niya ang Jersey uniform nila.

"Bala, wag kang mahiya sa mga kateam ko ha? Baka kasi mahihiya ka o maiilang man lang." sabi ko sa kanya.

"Khalex..."

"Bakit Bala?" tanong niya.

"Kailangan ba talaga?! Ayaw ko pumunta ng basketball court e." saad ko.

"Bala! Suportahan mo naman ako kahit sa practice ko oh. Gusto ko lang naman magiging maayos ang practice namin ngayon. Syaka I'm sure na mag-eenjoy ka." ngisi niya.

"Bakit naman ako mag-eenjoy?" tanong ko.

"Syempre, magaling kaya ang boyfriend mo sa basketball! Mamaya ipapakita ko sayo kung paano ako tumira ng 3 points." ngisi niya.

"Ang hangin mo Bala." irap ko.

"Tinawag mo akong Bala?" ngisi niya na ikinalaki ng mata ko.

"Ha? Bala? Balakajan ang sinabi ko!" singhal ko sabay iwas ng tingin sa kanya.

"Hehehe!" ngisi niyang tawa.

Napabuntong hininga na lang ako at nagfocus na lang ako sa paglalakad sa kanya at hinayaan na maglakad kami habang hawak niya ang kamay ko.

☆☆☆

Nang makapasok kami sa basketball court! Nakita ko naman ang lawak ng court nila. As in... sobrang lawak ito syaka ang linis pa. Hays!

"Captain!"

Napatingin kami sa mga lalaking nakasuot na ito ng Jersey uniform kagaya ng suot ni Khalex habang nakaupo pa sila sa mga bangkita. Agad naman kaming lumapit ni Khalex sa mga kateam niya na nakangiti pa si loko habang ako naman ay kinakabahan na.

"Wazzup guys!" bati ni Khalex.

"Wazzup Captain!" feedback naman ng lahat.

"Si Coach?"

"Wala pa e." sagot ng isa na kateam niya.

"Kumusta Captain?" tanong naman ng isa kay Khalex.

"Okay lang naman! Super happy." ngiti niya.

"Dahil ba kay... Ms. Cabrera?" sabay nilang tanong lahat at napatingin pa sa akin.

"Kilala niyo ako?" tanong ko bigla.

"Yes naman! Ahmm... dahil sa nangyari sa iyo about the viral video. Syaka naikwento ka na rin minsan ni Captain sa amin." sagot ng isa na ikinalaki ng mata ko.

Napatingin ako kay Khalex na ngayon ay nakangiti pa sa akin na tinititigan ako. Bwisit! Bigla na naman kumabog ang dibdib ko dahil sa manyak na ito. Ano bang ginagawa niya sa akin? Hays!

The Campus Heartthrobs and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon