Drex's POV♡♡♡
"Happy birthday Drex!"
"Happy birthday Mr. Drex Santos!"
"Happy birthday Drexxxey!"
"Thank you po!" iyan lang ang paulit-ulit na sinasabi ko sa lahat ng bumabati sa akin habang tinatanggap ang mga regalo nila.
To be honest lang, hindi ko naman wish na magbirthday ako ng bongga e. Pero sa ginawa ni Mama at Papa sa birthday ko ngayon ay sobra-sobra pa. Kumpleto lahat ang nandito e! 'Yong family ni Mama, 'yong family ni Papa na galing pa sa probinsya, mga Tita at Tito ko na mga magulang ng barkada ko. Nandito rin ang ibang schoolmates ko, mga classmates at malalapit na tao nina Mama at Papa na mga Ninong at Ninang ko sa binyag.
Pero ang hinihintay kong panauhin sa gabing ito ay hindi pa dumarating. Nasaan na ba si Nam? Pupunta ba siya ngayon? Magsisimula na ang program e... pero wala pa siya dito.
Dinukot ko ang phone ko sa may bulsa ng suot kong slack. Agad ko naman tiningnan ang conversation message namin ni Nam kanina. Last niyang sinabi sa akin ay 'OTW na ako'. Pero hanggang ngayon wala pa rin siya dito sa bahay namin.
Agad akong tumayo sa upuan ko para----
"Saan ka pupunta birthday boy?" tanong ni Khalex sa akin.
Oo! Kasama ko sila sa table ngayon. Sana nga maging okay ang lahat dito at walang okrayan ang mangyayari ngayon. Birthday ko e! Pagliliban muna ang awayan kung meron man.
"Oo nga, saan ka pupunta Drex? Parang problemado ka yata?" tanong naman ni Manner.
"Uhmm..."
"Si Even ba ang dahilan sa problemado mong mukha?" tanong naman ni Sky sa akin.
"E, kasi... Wala pa siya! Kanina pa siya nagsasabing OTW na siya." sagot ko.
"Kalma ka nga lang! Umupo ka muna." saad ni Fighter sa akin na ikinabuntong hininga ko na lang bago umupo.
"Baka traffic lang. Kaya natagalan si Bestie na pumunta dito." sabi ni Manner sa akin.
Oo nga noh? Baka traffic lang siya kaya natagalan na pumunta dito. Ano pa ba ang aasahan natin dito Maynila? E, traffic masyado e!
"Drex, kung pwede lang naman magfocus ka sa event na 'to. Birthday mo 'to! Kaya wag si Nice ang atupagin mo." saad ni Spark.
"Galit ka na naman ba? Mainit na naman ba ang ulo mo?" kalmadong tanong ko kay Spark.
Iba kasi ang tono ng pananalita niya e. Syaka dagdag pa ang expression ng mukha niya na mukhang galit o kaya inis at selos ang nakapinta.
"Ayan na naman kayo e. Pwede naman sigurong ipagliliban niyo muna ang init ng ulo nito, 'di ba?" asal ni Fighter. "Ikaw Spark, tumigil ka na diyan! Birthday ni Drex ngayon dapat respetohin mo ang araw niya ngayon." dugtong pa niya.
"Ako na naman ba ang mali ngayon?" tanong ni Spark. "Ay! As usual naman talaga! Ako lang naman talaga ang nakikita niyong mali." smirk niya.
"Spark, wala naman sinabi si F na mali ka ha? Sinabi niya lang naman na respetohin mo naman ang kaarawan ni Drex." saad ni Khalex.
"Tsk! Akala mo naman Khal noh? Kung makapagsalita ka kung sinong perpekto!" singhal ni Spark.
"Tama na Kuya. Tama na!" masinsinang awat ni Sky sa kakambal niya.
"Good evening everyone!" napabaling ang tingin namin sa nagsalita na si Mama sa gitna. "Today and tonight is my son's birthday! Thank you dahil nandito kayo para samahan kami to celebrate the birthday of our unico ejo na si Drex. Sobrang sarap lang sa feelings na nandito kayo at nakikita ko ngayon na sobrang dami pa lang nagmamahal sa anak ko na si Drex dahil hindi niyo talaga pinalagpas ang araw na ito para sa special na araw niya," pagsasalita ni Mama. "Kaya naman to my family, friends and relatives na nandito thank you so much. To my husband's family, friends and relatives, thank you so much din to celebrate with us. Classmates, schoolmates, friends and barkada ni Drex na nandito ngayon thank you dahil sinunggaban niyo ang invitation to celebrate his 18th birthday today," dugtong ni Mama.
BINABASA MO ANG
The Campus Heartthrobs and Me
Fiksi Remaja[BOOK 4: Second Generation] Six (6) Campus Hearttrobs na mabibihag sa isang Campus Transferee. Magkakaiba sila ng ugali pero iisa lang minahal na babae. Campus Kings ang tawag sa kanila sa University. Sinasamba ng karamihan, sila ay magkakaibigan, m...