"Hi again tito Bryan." Napatingin ako kay bryan at ngumiti ito saming anak.
"How was your day?" tanong nito at yumuko para maging kapantay ni bryden
"All good tito, mommy look" sabay baling sakin ni bryden at pakita sa kamay nya na may mga star.
"Wow verygood." Usal ko at binuhat sya.
"Dinner tayo?" Anyaya ni bryan
Tumango ako dito bago nagtungo sa sasakyan ko at sya naman ay nagtungo din sa kanyang sasakyan di kalayuan sa pinagparking ngan ko.
Nauna ako at nakasunod lang sya.
Tumigil kami sa isang restaurant ilang kanto lang sa school ni bryden.
Bumaba ako at nagmamadali ding bumaba si bryden.
"Lets go?" Pag aaya ni Bryan
Hahakbang na sana ako ng biglang tumunog ang phone ko.
Tumingin si bryan dun bago nag iwas ng tingin.
"I'll just answer the call" tumango ito bago humalukipkil sa kanyang sasakyan, si bryden namab ay nasa harapan ko na nakatingala sakin
"Hello Zack?" Bungad ko sa kabilang linya bago tiningnan si bryan.
"Sorry wala ako sa first day of school ni Bryden." Paghingi ng depensa nito.
"Ayos lang, pinaliwanag ko naman ng ayos kay Bryden kung bakit wala ka." Sagot ko dito at tiningnan ang nakasimangot na anak.
"Because you are busy at work" mahinang sambit nito dahilan para di marinig ng nasa kabilang linya
"Nandito ako sa bahay, magluluto ako ng dinner pauwi na ba kayo?" tanong nya
Napatingin ako kay Bryan at nagtaas ito ng kilay sakin.
"I'm sorry Zack, nandito kami sa restaurant malapit sa school ni bryden magdidinner." Agad kong sambit at tiningnan si bryden na walang reaksyon.
"Ok i'll be right there." nasisiyahan nyang sambit.
"Kasama namin si Bryan" diretso kong sambit dito.
"Mommy lets go na" pag aaya ni bryden na nainip na siguro.
"Sige na bye na Zack." Halata ang pagkadismaya sa kanyang boses ng nagpaalam sya bago putulin ang linya.
Nag order kami ng pangdinner at ilang dessert na nirequest ni Bryden.
"Ako na magbabayad ng lahat Janica." Presinta nya sa gitna ng aming pagkain.
"Wag na Bryan, napakadami nitong inorder ni Bryden nakakahiya." Pagtutol ko at tiningnan ang mga nasa lamesang pagkain.
"Janica, ana--" hindi natuloy ni Bryan ang sasabihin nya ng nagangat ng tingin samin si Bryden.
"Hm ok sige ikaw na magbayad" sang ayon ko sabay subo ng pagkain, ayaw kong mabigla ang anak ko pero pinaghahandaan ko na naman ang pagsasabi dito.
Hindi ko alam kong anonf magiging reaksyon ni Bryden pero pag nasa tamang pagiisip na sya ay sasabihin ko na ito.
Alam kong mahirap para kay Bryan ang lahat ng ito, ngunit inaalala ko lang naman ang kapakanan ng aking anak.
Nang matapos na kami mag dinner ay umuwi na kami, pagkababa ko sa sasakyan ko ay nakita ko agad ang sasakyan ni Zack.
Pagpasok namin ay nasa counter si Zack at nasa harap nito ay whiskey.
"Nandito na pala kayo" Aniya at walang ganang tumayo at lumapit samin.
"Im sorry Bryden" tumingkayad ito upang mag pantay sila ni Bryden.
"It's ok Papa, but promise me bukas kayo ni mommy maghahatid sakin" Malumanay na wika nito sa papa nya.
Ngumiti ito bago tumango.
"Manang paki akyat na po si Bryden" utos ko sa kasambahay namin na agad din nyang sinunod.
Naupo ako sa counter at uminom ng tubig.
"Ano to janica?" Hasik nito sakin.
"Alin Zack?" naiirita kong tanong.
"Pinapalitan ba ni Bryan ako kay Bryden?" Angil nito sakin bago lumagok sa hawak nyang baso.
"Baka nakakalimutan mo Zack na si Bryan ang tunay na ama ni Bryden" irita kong hasik dito bago tinalikuran
Hinila nya ang braso ko at hinarap sa kanya.
"What the hell you are? Sa tagal ng panahon na wala sya sa tabi mo tapos ganito mo kabilis bumigay sa kanya?" diretsong salita nito sakin.
Agad dumapo ang kamay ko sa pisngi nya na kinagulat nya.
"Wag mo kong pagsalitaan ng ganyan Zack, wala kang karapatan na husgahan ako." Namumuyos ako sa galit na sinigawan ito.
Tinalikuran ko sya at nagmartsa sa aking kwarto.
Alam kong matagal nawala si Bryan, pero hindi naman ako masisisi ni Zack kung tinanggap ko sya ulit ng ganon kabilis, mag anak kami at mahal ko sya.
Napaiyak nalang ako sa galit at inis sa kwarto ko. Alam kong napaka laki ang nagawa nyang tulong samin pero wala syang karapatan para pagsalitaan ako ng ganon.
![](https://img.wattpad.com/cover/242067836-288-k12122.jpg)