Siguro nga ganun talaga ang buhay,
yung mga ayaw natin mangyari yun ang pilit na mangyayari.
Siguro ganito talaga ang tadhana namin, maybe not now pero pasasaan ba at makakasama ko ulit sya, mayayakap ko ulit sya.
Sa kabilang buhay magiging ikaw pa din PALAGI! Masakit at mahirap ngunit babangon ako para sa anak ko.
Alam kong hindi gugustuhin ni janica na maging ganito ako.
"Dad, with honors po ako sa graduation namin" masayang balita ni bryden sakin.
Lumapit ako dito at ginulo ang buhok nya.
"Gusto mo bang mag celebrate?" Tanong ko sa kanya.
"Of course dad" sang ayon agad nya
Naghanda na kami ng mga dadalhin at tinungo na ang burol.
"Walang nagbago" sabay naming wika, nagkatinginan kami at nagpaunahan kami sa tuktok ng burol ng tumatawa.
Pumasok kami sa bahay, nilagay namin ang bouquet ng rosas sa puntod ni janica.
"Hi mom, it's been five years since you've been gone" simula ni bryden bago hinawakan ang pinaglalagyan ng larawan ni janica.
"Gragraduate na ako ng Grade 6 mom, with honors, Are you happy right?" Nangingiti nyang balita sa ina na para bang kaharap nya lang ito.
Maya maya pa ay may pumatak na mga butil ng luha sa mga mata nya, agaran ko syang nilapitan at inalo.
Limang taon na ang nakakalipas mula ng mawala ka janica, pero yung sakit samin ng anak mo na iniwan mo hinding hindi mawawala.
Alam kong palagi kang nakabantay samin, siguro mawawala din tong sakit na to ngunit ikaw hinding hindi kailanman namin makakalimutan.
Hanggang sa susunod na buhay mahal ko, INTAYIN MO AKO!
T H E E N D!!!
