Pagkatapos ng dinner namin ay hiniling ni Bryden na dumito muna ang kanyang papa upang masulit nila ang matagal na hindi pagkikita
Wala na akong nagawa kundi ang pumayag sa kagustuhan ng aking anak.
"Ayusin ko lang yung guest room" paalam ko sa kanila na abala sa paglalaro
"Mom pwede po bang sa kwarto ko nalang kayo matulog ni papa?" napakagat labi ako sa gustong mangyari ng aking anak.
Yumuko ako upang maabot sya bago hinawakan ang pisngi.
"Bry, hindi maaari na magtabi kami ng papa mo." Pag salungat ko sa gusto nito.
"Pero mom" malungkot na mga mata ang ginawad nya sakin.
Huminga ako ng malalim bago tumango.
Agad na humiyaw si Bry at yinakap ako."Thankyouuu mommy." Masayang sambit nito
Napatawa nalang ako bago nagpaalam na aayusin ang kwarto sumama naman sa akin si Zack.
"Sa sofa nalang ako kung ayaw mo." Panimula nya ng nagsimula akong ayusin ang bed sheet ng kama ni Bry.
Ngumiti ako dito at umiling.
"No, ok lang naman at isa pa wala naman masama dun." Nahihiya kong sambit dito bago pinagpatuloy ang aking ginagawa.
Lumapit ito sakin kaya napatingin ako dito.
"Janica, ilang taon na din naman na wala si Bryan bakit hindi mo subukan pumasok ulit sa relasyon?" Makahulugang tanong nito.
Kunot noo ko syang tiningnan.
"Hindi ko na kailangan yun Zack nandyan na si Bry" sagot ko dito bago kinuha ang unan.
"Kung liligawan ba kita ulit papayag ka?" bigla akong napalingon sa kanyang sinabi.
Naguguluhan akong ngumiti dito bago naglakad.
"Halika na sa baba Zack." Ngunit bago pa ulit ako makahakbang ay hinigit nya ang braso ko.
"Seryoso ako Janica" pagsusumamo nya.
"Zack, makuntento nalang tayo sa ganito" agad kong sagot at nagpatiuna na sa pagbaba.
"Manang" tawag ko sa kasambahay ko ng mapansin na wala na si Bry sa pinaglalaruan nya kanina.
Agad lumapit ito sakin at bago pa ako nakaimik ay narinig ko ang andar ng isang motorsiklo sa labas ng bahay namin.
Dali dali akong lumabas ng pinto at patakbong lumapit sakin si Bryden.
"Saan ka galing bry?" tanong ko dito.
Ngumiti ito at tinuro ang gate namin.
"Dun po sa nagbigay sakin ng Toys." Sagot nito.
"What's wrong?" Tanong ni Zack na umakbay sakin.
"Sinabi ba nya kung sino sya at bakit sinusundan nya tayo?" Tanong ko dito.
"Sinabi nya mommy na love daw nya tayo" halos kilabutan ako sa aking narinig.
Hindi kaya si Bryan ito? Hinanap nya kami? Anong rason at bakit sya bumabalik?
"At sabi nya mommy love mo din sya kasi name nya naging name ko. Sino ba sya mommy?" halos nasagot lahat ng tanong ko sa sinabi ng aking anak.
"Manang paki akyat naman si Bryden sa kwarto nya." Utos ko sa yaya nito at agad naman nitong iniakyat si bryden sa taas
Umupo ako sa sofa at pinagsalikop ang mga palad ko.