KABANATA 10

113 12 1
                                    


Nagising akong nasa aming bahay, pinilit kong tumayo ngunit agad akong pinigilan ni kuya Naji

"Lay down" aniya sa mahinahon na salita

"Kuya sabihin mo sakin nasan ang anak ko? Kamusta sya? Ayos na ba sya?" Sunod sunod kong tanong dito

"Magpahinga ka na muna sa ngayon janica, nandun sina mommy at bryan sa ospital babalitaan nalang nila tayo kung anong lagay ni bryden" sagot nito

Hindi ako sumang ayon dito, maayos na lagay ko mas kailangan ako ng anak ko, agad akong tumayo at lumabas ng silid ko kahit pa na pinipigilan ko nito.

"Please understand me" pag mamakaawa ko dito na sang ayunan ang gusto kong makita ang anak ko

Pumikit lang ito ng mariin at tumango bago sinenyas ang kotse nya.

Agad akong tumungo doon, habang binabagtas namin ang daan patungo sa ospital ay kinakabahan ako sa maaaring nangyari sa anak ko.

"Janica what are you doing here?" Tanong agad ni dad

"Dad nasa malubhang lagay ang anak ko kailangang nandito ako" di ko na mapaliwanag ang nararamdaman ko

"You need a rest janica" usal ni bryan at giniya ako sa upuan

"Anong lagay nya? Anong sabi ng doctor?" Tanong ko dito habang umuupo

"Wala pang sinasabi ang doctor, kumalma ka muna mamaya mapano ka na naman" usad nito sakin

Ilang oras din kaming nag intay, umuwi muna si kuya niro at kuya naji upang kumuha ng mga gamit.

"Anong balita doc? Kamusta ang anak ko?" Tanong ko ka agad ng lumabas ang doctor

"Nagkaroon ng damage ang utak nya, sa ngayon po ay magkakaroon sya ng temporary amnesia mas mabilis pong makakarecover ang pasyente kung palagi nya kayong makikita" nanghihina ako sa bawat bigkas ng doctor sa mga katagang yun

"Mauna na ako" dagdag pa nito at iniwan na kami

Napaiyak ako at napayakap kay bryan

"Temporary lang naman yun janica, magiging maayos din ang lahat nandito lang ako" sambit nya habang hinaplos ang buhok ko

"Janica" nangangatal na sambit nito sa ngalan ko, nilingon ko ito ka agad

"Umalis ka na" mahinahon ngunit may diing usad ko rito.

"Janica kamusta si bryden" tanong nito na binalewala ang sinabi ko

"Pakiusap umalis ka na" sigaw ko dito

"Pero bakit? Ano bang nagawa ko?" Nangatal ako sa inusal nya

"Kundi mo pinaasa si bryden na darating ka hindi mangyayare ito" iyak na sumbat ko

"Pe-pero pupunta naman talaga ako" paliwanag nya

"Pupunta? O baka naman busy ka sa gf mo kaya nakalimutan mo na ang kaarawan ni bryden" Aniko

"Gf? At tsaka hindi ko kailan man malilimutan ang mga ganyang okasyon sa inyong magina, kayo ang buhay ko" umiiyak na sambit nya

Nagkuyom ang kamay ng lalaking katabi ko

"Umalis ka na" sabat nya at inilagay ako sa likuran nya

"Wow? Ako pinapaalis mo? Nagpapaka ama ka ngayon?" Salitang binitawan nya

Mas lalong nagkuyom ng kamao si bryan, ng akmang magsasalita pa sa zackk ay agad ko na itong hinila palabas.

"Janica anong ibig sabihin nito? Kayo na ba ulit?" Tanong nito at nangilid ang mga luha

"Pwede ba zack walang ganung nangyayare ngayon, bakit ba nandito ka? Di ka nalang bumalik sa bea na yun!" Galit na sambit ko

"Bea? Ow i remember she's my secretary" paliwanag nya bago masuyong hinawakan ang mga kamay ko

"Hindi ako nagseselos zack, ang akin lang dapat sinabi mo na may lakad kayo nun ng hindi umasa si bryden" usad ko

"Look, im sorry please forgive me" aniya at hinaplos ang kamay ko

"Wala ka dapat ihingi ng tawad sakin zack, ako dapat humingi ng tawad sayo" aniko at tiningnan sya ng diretso

"Ba-bakit?" Utal na usad  nya

"Patawad kasi hanggang dito nalang ugnayan natin, pinuputol ko na kung anong ugnayan natin" kinuha ko ang kamay ko at tumalikod na

"Janica NO! dont do this to me, you're my everything please don't  leave me, I'm begging you" iyak na pagmamakaawa nito pumikit ako ng mariin at tuluyan ng lumakad palayo sa kinatatayuan nya

"Janica pleasee!" Sigaw ni zack kasabay nun ang hagulhol nya

Tumulo ang mga luha ko, buong buhay ko naging mabuti ka sakin, samin zack pero siguro hanggang dito na nga lang gusto kong ayusin ang pamilya ko para sa anak ko.

Pinunasan ko ang mga luha ko bago tinahak ang silid ng anak ko

May malay na ito ng maabutan ko, may benda ang ulo nito pati na rin ang mga binti, ang ibang bahagi ng katawan nito ay may mga pasa

Nasa tabi nya si bryan ngunit nakatingin lamang ito.

Naiyak ako sa kalagayan nya marahan akong lumapit sa kanya

"Bryden anak do you remember me?" Tanong ko dito na pilit kong kinakalma ang boses ko

Umiling ito bago binaling ang tingin kay bryan

"Tito bryan sino sya?" Nagulat ako sa tanong nito

Panong naaalala nya si bryan kesa sakin?

"Im your mommy bryden, its ok baka sa sunod maalala mo na" sambit ko dito

Tumawa ito at tumingin sakin

"HAHAHA im joking, I always remember you mommy" aniya

Napaluha ako at agad itong yinakap, sa kabila ng kanyang mga natamo nagagawa pa din nyang magbiro at tumawa

"Are you ok? Anong masakit sayo?" Tanong ko rito

"Im ok mommy don't worry" masayang sambit nya

Nakakatuwa at kahit na sabi ng doctor ay magkaka amnesia sya e naaalala nya ako. Napaka palad pa din namin at talagang di kami pinapabayaan ng diyos.

Lost Love Found (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon