KABANATA 12

99 9 8
                                    


"Bryden! open the door, it's mommy" madahan akong kumatok sa silid ng anak ko.

Agad binuksan ni bryden ang pinto, at kita ko ang nanunubig nitong mga mata.

"Mommy!" Takot na yumakap ito sakin, hinaplos ko ang buhok nito at masuyong sinapo ang pisngi.

"why did daddy hurt papa?" Takot na tanong nito

"Because your papa hurt me, so daddy got angry and protected me" paliwanag ko dito, ayoko maging masama ang tingin nya kay Zack pero iyon talaga ang nangyare.

"Papa, hurt you?" Tanong nya na mas kalmado na ngayon.

Tumango ako bilang pag sangayon, agad nya akonf yinakap at hinalikan sa pisngi.

"No one can hurt my mom!" Buong lakas na sabi nya

Ngumiti ako sa kanya at masuyong hinalikan sa buong mukha nya, dahilan upang tumawa sya at patigilin ako sa ginagawa ko.

Natigil lang kami ng humahangos na umakyat si mommy sa silid ni bryden.

"Janica! Si Bryan!" Naguguluhan ako sa nagiging reaksyon nya, umiiyak sya at balisa

Tumayo ako at kinarga si bryden

"Bakit my? Anong nangyare?" Tanong ko sa kanya gamit ang makahulugang tingin

Bagkos umimik ay kinuha nya sakin si bryden.

"Sumama ka na sa kuya mo bilisan mo!" Naguguluhan man ay iniwan ko sila sa silid na iyon 

Kita ko si kuya naji sa labas na walang emosyon ang mukha.

"Kuya--" pinutol na agad nya ang sasabihin ko.

"Get in!" Tipid na sagot nito, nalilito man ay sumakay pa din ako

"Diretsuhin mo nga ako kuya! Ano ba talaga ang nang--" pinutol na naman nya ang nais kong sabihin, at nanlumo ako sa mga sinabi nya.

"Bigla nalang syang nawalan ng malay at dumugo ang ilong nya" sambit nya na ang mga mata ay diretso sa karsada

Gusto kong umiyak ngunit di ko magawa, nasa ospital na sya at dinala sya ni dad.

Anong nangyare sa kanya? Bago naman ako pumunta kay bryden ayos pa sya.

Nang maipark ni Kuya ang sasakyan ay agad na akong bumaba at di na inintay sya

Hinanap ko agad ang kwarto nya.

Nandun sina Bricks, Ate Jam at sina tita Jane at Tito Benedict pati na rin si Dad

Umiiyak sila na napatingin sakin, agad nag iba ang mga muka na para bang sinasabi nilang ayos lang sila kahit kitang kita naman ang pagiyak nila.

"Anong nangyayare?" Mabilis kong tanong at umupo sa kamang hinihigaan ni Bryan.

"Lumala ang sakit nya" nagulantang ako sa narinig

"What? Sabi nya magaling na sya?" Tanong ko kay bricks  na agad umiling

"Tinaningan na sya, pwede pa naman madagdagan ang buhay nya ngunit di na sya pumayag na ichemo sya" nanghihinang sambit ni tita jane.

"Bilang na daw ang mga araw nya kaya imbes na ubusin nya yun sa pagpapagamot ay mas gugustuhin nyang bumawi sa inyo." Dagdag pa ni ate Jamilla, di ko na namalayan na unti unti nang pumatak ang mga butil ng luha ko na pilit kong nilalabanan.

"Ilang taon nalang?" Wala sa sarili kong sagot.

"A month" sagot ni bricks

Napahagulhol ako sa mga nalaman ko, ang buong akala ko ako lang ang nahirapan, dapat kasama nya ako sa mga paghihirap nya pero di ko nagawa.

Sana hindi pa huli ang lahat, naguumpisa palang kami, alam kong di dito matatapos ang lahat..

Matinding katahimikan ang lumukob sa aming lahat, walang gustong umimik ni pag galaw ay bibihira.

Napatingin ako ng binasag ni Bryan ang katahimikan.

"Janica?" Lumingon ako dito gamit ang nanlulumong mata

"B-bryan" nauutal kong sambit at kinagat ang pangibabang labi upang di mapaluha

"Don't look at me with your pitiful eyes please" masuyong sambit nya bago sinapo ang pisngi ko

Halos ilang taon nya nilabanan ang sakit nya na sya lang mag isa, akala ko sa loob ng napaka raming taon na yun ako lang ang nahirapan.

Akala ko magaling na sya, hindi ko maaatim kung mawawala sya agad samin ng di man lang nya kami nakakasama ng matagal.

Gagawin ko ang lahat upang lumaban sya, at madugtungan pa ang buhay nya.

Gusto ko pa syang makasama ng matagal, gusto kong sabay namin palalakihin si Bryden.

Napaluha ako sa mga inisip at mabilis ko agad syang niyakap, ginantihan nya ito at naramdaman ko din ang pag iyak nya.








Lost Love Found (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon