Pagkalabas na pagkalabas ko sa ospital ay nagtungo agad ako sa burol kung saan ang unang lugar na nagustuhan ko si janica, doon daw nila nilibing zi janica.
Pagkarating ko ay nakita ko sa tuktok ang isang bahay na gawa sa bato, pagpasok ko ay nakita ko agad ang isang marmol na hugis parisukat na may muka ni janica, napahagulhol ako sa sakit.
Sobrang sakit, sa dalawang taon na pagkakahimlay ko ay wala na pala akong magigisnang janica!..
Deserve bang sya ang magbayad sa lahat ng kasalanan ko?
Naupo ako sa upuan malapit sa marmol.
"Sweet heart, pasensya ka na ha ngayon lang ako nakadalaw" sa puntong ito ay humagulhol na ako ng pagkalakas lakas.
"Hindi ko pa din kaya na isiping hindi na kita makikita sa araw araw, ang daya mo mahal ko hindi mo ako inintay, hindi mo tinupad pangako mo na magsisimula ulit tayo." Lumapit ako sa larawan nya at hinalikan iyon.
"Pano na ako mabubuhay ngayon kung wala ka na, pano ko aalagaan si bryden kung ako mismo di ko alam kung paano at saan magsisimula." Hinang hina na ako ngunit gusto kong magkasagot sa mga tanong ko.
Gustong gusto ko syang makita ngayon at mahalikan o mayakap man lang.
"Alam mo ba kung gaano kasakit na paggising mo wala na pala ng dalawang taon ang asawa mo, hindi man lang ako nakapag paalam sayo ng maayos mahal ko" sa pagkakataon na ito ay nilamig ako kahit sarado naman ang mga bintana at pinto.
Lalo akong napahagulhol.
"Magpakita ka MAHAL KO, pakiusap" sigaw ko at tumayo.
"Ahhhhhhhh! Ang sakit sakit ng pagkawala mo janicaaa!!" Buong lakas kong sigaw.
Lalong lumamig ang kapaligiran kasabay ng malakas na ulan.
"Magpakita ka sakin mahal ko, napakadaya mo alam kong nanjan ka pero ayaw mong magpakita" nanghihina kong sambit bago duma usdos ng upo sa sahig.
"Mahal na mahal kita janica, bumalik ka na pakiusap" pabulong na himig ko.
Pumikit ako at hinayaan na pumatak ang mga butil ng luha ko sa sahig.
"Mahal na mahal ko din kayo" rinig kong sambit sa tenga ko ng pagkalamig lamig na hangin.
Hindi ko alam kong guniguni ko lang yun basta ang alam ko nandito sya, nagiisa sa napakadaming araw.
Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko bago humagulhol ulit.
Ang sakit sobraa tanginaa! Bakitt!? Pano ako magsisimula ulit? Saan ako magsisimula ulit?!
