Tumagal pa kami ng ilang linggo sa ospital, nakalimot si bryden ng mga ibang bahagi ng kanyang buhay pinagpapasalamat ko nalang na natatandaan nya kaming lahat.Naging mahirap samin na makitang ganun ang kalagayan nya pero napabilis din naman ang kanyang recovery sa tulong na din ng magandang treatment sa kanya.
Ngayon sya ididischarge kaya naman lahat kami ay nag handa ng isang salo salo sa bahay.
Simula nung nag away kami ni zack ay di na ito nagparamdam o nagpakita man lang, ilang beses na din itong hinahanap ni bryden ngunit tanging mga dahilan ko lang ang sinasabi ko sa kanya.
"Mommy, papa's gonna be here right?" Ngiting tanong nito
Umupo ako sa tabi nya at kinalong sya
"Baby I have something to tell you" di ko alam kung ito ba ang tamang panahon na sabihin ko sa kanya ang totoo pero kung patatagalin ko pa ay lalo lang akong mahihirapan kung kada araw ay hahanapin nya ang papa nya.
"Do you remember what i said to you long ago? About your biological father?" Pinilit kong ikalma ang sarili ko sana naman maunawaan nya, sana maintindihan nya
"Hmm... I remember" kunot noo nyang sagot sakin
Tumingin sakin sina kuya kasama ko sila ngayon na susundo kay bryden
Tumango sila na para bang pinapahiwatig na sabihin ko na
"Your biological father is your tito Bryan" diretso usal ko
Napatutop ito sa bibig nya kung normal na araw ito ay matatawa kami.
"Really?" Hindi sya makapaniwala sa sinabi ko
"Im sorry baby kung ngayon lang nasabi ni mommy, naiintindihan mo ba sinabi ni mommy? Tanong ko sa kanya
Tumingin ito ng blangko sakin di ko mabasa ang mga mata nya di ko nakikita doon ang galit o naguguluhan man lang...
Biglang bumukas ang pinto ng silid namin, mula doon ay nakita ko si bryan na wala pang alam sa nangyayare.
Tumayo si Bryden at lumakad papunta kay bryan susundan ko sana ito ng hinawakan ni kuya naji ang braso ko.
"Magtiwala ka sa anak mo" aniya bago ako binitiwan
Naguguluhang tumingin samin si bryan, bago lumuhod upang makapantay si bryden
"I remember you said that You love mommy and I" simula nito naiiyak na ako sa pagkakataon na ito.
Hinawakan ni bryan ang balikat ni bryden
"I always love you and your mom" sagot nya bago ako tiningnan.
"I love you too" usal nya marahas na nilingon ni bryan si bryden "Daddy" dugtong pa nito, mula sa kinakatayuan ko ay nakita kong may mga nagbabadyang luha sa mata ni Bryan
"What did you say? Can I hear again baby?" Tuluyan ng pumatak ang mga luhang nagbabadya sa kanyang mata.
"Iloveyou too daddy" ulit nya bago niyakap si bryan , ginantihan ito ni bryan ng mahigpit at sabik na yakap
Hinawakan ko ang dibdib ko di ako makahinga sa tuwa, pinunasan ko ang luhang dumaloy sa pisngi ko.
Tinapik ni kuya niro ang likod ko bago nilagay ang ulo ko sa balikat nya.
"Napa laki mo ng tama si Bryden, janica" bulalas ni kuya Naji
Marahan akong tumango bago humikbi.
Lunapit ako sa dalawa at lumuhod na din para mayakap sila
"Im so proud of you bryden" tanging nasabi ko bago halikan ang ulo nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/242067836-288-k12122.jpg)