Nang matapos ang ilang araw naming pananatili kina Mom ay napagpasyahan na naming umuwi para sa pagpasok ni bryden sa eskwelahan.
It's monday at ito ang unang araw ni Bryden sa kanyang pagpasok sa unang baitang.
Maaga akong gumising para igayak ang uniform ni bryden at para icheck na rin ang hinandang breakfast ng aming kasambahay.
7:30 ang pasok ni bryden kaya naman ay ginising ko na sya ng 6:30.
Masigla itong bumangon at aniya ay sabik na syang pumasok at makipaglaro sa kanyang makikilalang kaibigan.
Giniya ko na sya sa banyo bago pinaliguan. Pagkatapos nun ay kinuha ko ang pares ng uniform nya bago ito sinuot sa kanya.
Pinababa ko na sya para sa breakfast nya habang ako naman ay nag ayos ng aking sarili.
Isinuot ko ang long sleeve at isang jeans at tinernuhan ng stilletos na kulay cream.
Nilugay ko ang buhok ko at nang makuntento ay bumaba na ako upang ihatid si bryden sa school nya.
"You're to slow mommy." Nakahalukipkip nitong salubong sa kin
"It's still early bryden." Ani ko
Tumayo ito at hinila na ang kamay ko palabas ng bahay.
Pinatunog ko ang key card ko at agad itong pumasok sa loob.
"Why was papa not on my first day at school?" Tanong nya ng makalabas na kami sa gate ng aming bahay.
"Your papa is busy with his work" Isang sulyap ang ginawad ko sa kanya.
Nakasimangot ito at kunot noong binaling ang tingin sa labas.
Malapit na kami sa school nya at kita ko sa mata nya ang kagustuhan nang bumaba sa kotse.
Pinark ko ang sasakyan ko sa parking lot, pagkapatay na pagkapatay ko ng makina ng aking sasakyan ay agad ng bumaba si bryden at kinuha ang bag nya na nasa backseat.
"Ako na anak." Wika ko at tinangkang kunin ang dihila nyang bag na agad nyang nilayo.
"I can do this mom" Sambit nya bago hinawakan ang kamay ko.
Paakyat na kami sa hagdan ng biglang may tumawag kay bryden.
"Goodmorning." Bati ni Bryan at tumingkayad para maabot si Bryden.
"Mom look tito bryan is here" sambit nya sakin bago nginitian ang kaharap.
"First day of school? Right?" Nakangiting tanong ni Bryan sa anak nya.
Naestatwa ako ng pagmasdan kung gaano sya kasabik sa anak nya. Di ko sinabi sa kanya ito pero nakakapagtaka at nandito sya.
"Uh huh, naghatid din po ba kayo ng anak nyo?" Prenting sagot ng anak ko.
Ngumiti ito bago umiling.
Iimik pa sana si bryden ng tumunog ang bell.
"Mom lets go" at hinila nya ako papasok
Nagpaalam na ako kay Bryden at binilin ko dito na intayin nya ako mamayang uwian nila.
Pinatunog ko ang key card ko at bubuksan na sana ang pinto ng kotse ng biglang tinawag ako ni bryan.
"Janica wait." Aniya at hinawakan ang braso ko.
Napatingin ako sa kamay nya at agad nya din itong inalis.
Tumingin ako dito at nahihiyang lumayo ito.
"Ok lang ba sayo kung lagi kong makita ang anak ko?" nahihirapan nyang tanong.