KABANATA 7

487 29 4
                                    

"Sige na anak kainin mo na yang breakfast mo." Utos ko sa anak ko na wala sa ganang kumikilos.

"May masakit ba sayo anak? Anong problema?" tanong ko dito at sinalat ang noo.

"Papa promised to take me to school" walang ganang sambit nito at nilaro ang kutsara na nasa pinggan nya.

Kahit labag sa loob ko ay tinipa ko pa din ang numero ni Zack para sa aking Anak.

"Do you want to talk to your papa?" Sambit ko dito ng sumagot ang nasa kabilang linya.

Hindi sumagot si Bryden, madahan nyang kinuha ang phone ko bago nilagay sa kanyang tenga.

"You said you were going" malamyang himutok nito sa kanyang papa.

"But you promise!" medyo napalakas boses nito kaya hinawakan ko ang kamay nya.

"I hate you, I dont want to see you anymore." Hasik nito sa kabilang linya bago pabagsak na binigay sakin ang phone.

"Bryden" saway ko dito na pinagsawalang bahala nya.

"You promised him." Santala ko sa kausap.

"I know sweet heart but there is really an emergency here in the office, so i can only go by picking up." Frustrate nitong sambit. Na para bang walang nangyare samin kagabi

"He said he would just picking you up later." Pagaalo ko sa anak ko ng nasa sasakyan na kami

"I hate him" busangot na usad nya bago tinuon ang tingin sa labas.

"Ayaw mo ba na si mommy maghatid sayo?" tanong ko dito at sinenyasan sya

"I want to, but mommy I also want to see that papa is proud of me." Himutok nya sakin.

"Proud sayo si papa ok?" tanging sambit ko dito.

Nang makarating na kami sa school ay medyo nagbago na ang mood ni Bryden.

Paakyat na kami sa hagdan ng biglang sumulpot si Bryan.

"Good morning" bati nya samin at pinisil pa nya ang pisngi ni bryden

Nginitian lang sya ni Bryden at umakyat na sumunod ako ganun din si Bryan.

"Napagalitan mo ba sya?" Nangingiting tanong ni Bryan

"Hindi, nagtatampo sya sa papa nya kasi hindi sya naihatid." Ani ko at tiningnan ang reaksyon nya.

Napaismid sya ngunit ngumiti din naman ng nakitang nakatingin ako.

"Nandito naman ako tunay na ama nya." Nanunuyang sambit nito.

"Dont worry Bryan sasabihin ko dib kay Bryden ang relasyon nyong dalawa pag naihanda ko na sya, baka kasi mamaya maapektuhan pag aaral nya." Paliwanag ko dito.

Ngumiti lang ito ng tipid bago tumango.

"Be a good boy ok?" Bilin ko sa aking anak tumango lang ito at kinuha ang bag sakin. Sabay halik sa pisngi ko.

"Wait bryden,I bought you something." Ani Bryan at inabot ang nasa supot

Tumingin dun si Bryden bago tumingin sakin, tumango ako dito at kinuha nya ito.

"Thank you tito Bryan." Nakangiting sambit nito, yinakap nya si Bryan na hanggang tiyan lang sya nito.

Nabigla si Bryan dun pero agad ngumiti bago tinapik ang ulo ni Bryan.

"Always welcome Son." Agad nitong nasambit kaya naman napatingala sa kanya si Bryden

Nabigla ako dito kaya agad kong yinuko si Bryden

"Pasok ka na" utos ko dito, tumango ito at kumaway samin.

Habang papasok si bryden ay nakangiti si Bryan habang tinatanaw ito.

Napangiti ako dito, natutuwa ako at lumalapit loob ni Bryden sa kanya sa ganon ay di ako mahihirapan na magexplain dito.

"Let's go" natatawa kong pag aaya dito.

Nawala ang ngiti sa kanyang labi ng makita akong nakatingin sa kanya.

"Im sorry" pakamot kamot sa ulong sambit nito. "Nadala lang ako." Paliwanag pa nya.

Natatawa na umiiling ako dito.

"It's ok Bryan, wala ka dapat ipag sorry sakin." Paliwanag ko dito bago nagsimula humakbang.

Nakangiti itong sumunod sakin, na para bang maghapon na hindi masisira ang mood nya.

Kitang kita ko ang galak sa mga mata ni Bryan sa simpleng yakap ni Bryden, alam kong hindi nya na maintay ang pagkakataon na makatabi si Bryden at tumira sila sa iisang bahay.

Siguro ay pag nangyare yun ay magiging masaya kami.

Ngunit natatakot ako na baka iwan na naman nya kami tulad noon. Natatakot akong magtiwala sa kanya dahil alam kong ako din ang mahihirapan pag nangyare ang nangyare dati.

Nagpaalam na ako kay Bryan, umuwi na ako at nagtaka na nandun ang sasakyan ni Zack.

Pumasok agad ako at nabigla sa nakita.

Puno ang sahig ng mga petals ng rosas at may iilang nagkalat na lobo.

"Zack" sabi ko ng makita syang palapit sakin na may dalang Bouquet.

"Im sorry sa mga nasabi ko kagabi." Pag hingi ng tawad nito at inabot sakin ang bungkos ng bulaklak.

Tinanggap ko ito bago tumingin sa kanya.

"So sinira mo pangako mo kay bryden para dito?" Seryoso kong tanong dito.

Yumuko ito at madahan na tumango.

"Wala syang ganang pumasok sa school Zack, kasi umaasa sya na ihahatid mo sya ngayon." Ani ko dito at nagpatiuna sa kusina.

"Im sorry, gusto ko lang bumawi sayo nakainom ako kagabi at nagseselos ako dahil nakita mo ex fiancee mo." Mahinahon na paliwanag nito at hinawakan ang kamay ko.

"Nagkita kami dahil sa bata Zack" sagot ko dito bago uminom bg tubig.

"Im sorry janica, iloveyou." Sambit nya.

Hindi ko alam ang irereaksyon ko sa ginawa nyang ito, oo maganda at kung sa ibang babae ito ginawa ay alam kong kikiligin o matutuwa pero ang di ko maintindihan ay bakit parang wala lang ito sakin.

"Thank you sa effort, palit lang ako" ani ko dito at nilampasan na sya.

Umakyat ako at kita ko ang bigong mga mata ni Zack na nakatingin sakin, kahit nakangiti ito ay alam kong nasasaktan ito.

Hindi ko sya pwede paasahin, mahal ko pa si bryan at di ko alam kung mawawala pa ito.

Mabait si Zack at malaki ang utang na loob ko sa kanya sa lahat ng ginawa nya samin ng ilang taon.

Sya ang bumuo sa pamilya kong nasira, pero hindi ko maisip kung bakit hindi ko sya kayang mahalin ulit.

Iniwan ko sya dati dahil kay Bryan, at ngayon nilalayuan ko sya dahil kay Bryan.

Hindi ko alam kung bakit nagtitiyaga ito sakin, ilang taon din nya kaming inalagaan ni Bryden at hindi ko alam kung bakit kailangan nyang gawin ito.

Napamahal na si Bryden sa kanya kaya alam kong pag sinaktan ko si Zack ay masasaktan din ito.

Napabuntong hininga nalang ako na nagtungo sa closet para magpalit ng damit at babain si Zack doon.

Lost Love Found (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon