KABANATA 9

594 36 22
                                    

Ito ang araw na kahit dapat maging masaya ako kasi kaarawan ng anak ko ay hindi ko magawa.

Dahil ito ang araw na sasabihin ko sa anak ko ang totoo.

Nagdecide kami na sa isang hotel nalang ganapin ang kaarawan ni bryden.

"Sigurado ka na ba Janica?" tanong ni Kuya Naji sakin.

Naguguluhan akong tumingin dito at di kalaunan ay tumango ako.

"Nandito lang kami." Ani Niro na kakauwi lang kahapon galing sa States

Ngumiti ako bago sinulyapan si Bryden na nakikipaglaro sa mga anak ni Kuya Naji.

Lumapit samin sina Mom and Dad at yinakap kami.

"Mommy nasan si papa?" Tanong ni Bryden sa kalagitnaan ng yakap nina mom.

"Papunta na siguro sya anak" sabi ko sa kanya at inakay na sya pabalik sa lamesa.

Nasa long table na sina Cheska at ang mga anak nya na sinundan ni Kuya Naji, si Niro naman ay tumabi kina Mom and Dad bago pa ako naupo sa tabi ni Dad at Bryden.

"Pwede po bang mamaya na tayo kumain pag nandito na si papa?" sangguni ng aking anak na bakas ang pagkadismaya na wala pa dito si Zack.
Pinagtataka ko din ay bakit hanggang ngayon ay wala pa ito dito gayung di naman ito nahuhuli sa mga ganitong selebrasyon lalo na at para ito kay Bryden.

Tumango ako sa anak ko, abala naman sina Kuya Naji at Niro sa ibat ibang kwento nila sa buhay.

"Anak bakit hindi mo tawagan si Zack?" Ani ni Mom tumingin si Bryden sakin na para bang sumasang ayon sya sa binigkas ni Mommy.

Tumango ako at kinuha agad ang phone ko bago dinial ang numero ni Zack.

Maya maya pa ay may sumagot nito ngunit hindi si Zack.

"Sino sila?" tanong ng nasa kabilang linya.

"Si papa na ba yan?" Biglang singit ni Bryden, tumayo ako at lumayo sa lamesa.

"Itatanong ko lang sana kung nasan si Zack" mahinahon kong sambit.

"Anong kailangan mo sa boyfriend ko?" Prenteng sagot nito na kinagulantang ko.

"Bo-boyfriend?" Ulit ko na hindi pa din makapaniwala.

"Sinong kausap mo Bea?" Tinig iyon ni Zack.

Ng marinig ko yun ay agad kong pinutol ang tawag.

So may girlfriend sya? So lahat ng nangyare is pagpapanggap? Bakit sya nagsinungaling samin? sakin?

"mommy pupunta ba sya?" Nagulat ako sa biglaang sulpot ni Bryden.

"Anak kasi... busy sya sa work nya" Maingat kong pagsasabi sa kanya na agad tumulo ang luha nya.

"Mas importante ba talaga yung work nya kaysa sakin mommy?" Humihikbing tanong nito.

Inalo ko ito ngunit sadyang nasaktan ito sa pagpapaasa ni Zack.

Tumakbo sya palabas ng hotel kaya naagaw nina Mom ang atensyon namin.

Hinabol ko sya at agad akong napaatras ng biglang nagpreno ang kotseng nasa harapan ko kasabay nun ang pagtilapon ng anak ko.

"BRYDEN!" sigaw nina Mom sa likuran ko at kita kong nagpatiunahan sila sa tabi ng anak ko.

Gusto kong lumapit ngunit naestatwa ako sa kinatatayuan ko.

"Janica ano ba?!" Yugyog sakin ni Kuya Niro.

Napapitlag ako at naiiyak na tumingin dito.

Itinuro nya ang ambulansya kung saan sakay si Bryden at si Dad kasama si Mom.

"Sumakay ka na" mahinang sambit ni Kuya.

Tinakbo ko ito at agad sumakay, kita ko sa loob si Bryden na duguan at halos di na humihinga.

"Pakibilisan naman" sigaw ko sa nagmamaneho.

"Kumalma ka anak" pagaalo ni Mommy.

"Pano ako kakalma mom kung ganyan lagay ng anak ko?" Humahagulhol kong sambit

Yinakap ako ni Mom at hinaplos ang ulo ko.

Nang makarating kami sa ospital ay agad akong hinarang ng mga doctors.

"Hanggang dito nalang po kayo." Aniya at nilayo na si bryden sakin.

"Pero ako ang ina ng bata kailangan kong samahan ang anak ko." Nagpupuyos kong sigaw.

"Pasensya na po di talaga pwede" huling sinabi ng doktor bago tuluyang umalis dala ang anak ko.

"Mom kailangan ako ni Bryden, dapat nasa tabi nya ako" halos magwala na ako.

"Anak tama na please" umiiyak na pakiusap ni Mommy.

"Janica" napalingon ako sa dumating.
"Bryannnnn" umiiyak na yinakap ko ito.

Hinaplos nito ang likod ko at pilit akong pinapakalma.

"Kailangan ako ng anak natin bryan, bakit ayaw nila akong papasukin?" Halos mapapaos na ako sa kakasigaw ko.

"Calm down, magiging ok anak natin" basag ang boses nito na tila naiiyak din.

"JANICA" sigaw nina mom ng biglaan akong natumba...

Lost Love Found (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon