KABANATA 8

534 32 13
                                        

"Nagustuhan mo ba?" Tanong nito habang kumakain kami ng tanghalian.

Sumimsim ako sa wine bago marahan na tumango.

Napangiwi ito sa reaksyon ko, hinati nya ang steak nya at nilagay sa plato ko.

"Malapit na kaarawan ni Bryden, anong plano mo?" tanong nya at tumingin sakin.

"Plano ko na sabihin na sa kanya lahat." Diretsong sambit ko dito

"Sigurado ka na ba Janica?" tanong nya bago hinawakan ang kamay ko.

Tumango ako dito at inalis ang kamay doon at nagkunwari na iinom ng tubig.

Napabuntong hininga sya sa ginawa ko.

"Sasama ako mamaya sa pagsundo kay Bryden" aniya na di ako nilingon.

Hindi ako umimik at pinagpatuloy ang aking pagkain.

Nang matapos na kami ay lumipat kami sa pool.

"Saan natin gaganapin birthday ni Bryden?" tanong nito at tumabi sa pagkakaupo ko.

"Ikakain ko nalang siguro sya sa labas para mas madali ko masabi kay bryden" tiningnan nya ako at di rin nag tagal ay tumango ito.

"Wag nya sana akong kalimutan." Yumuko ito at pinaglaruan ang mga kamay nya.

Naawa ako sa kanya bigla, ang tagal din namin sya nakasama at di ko akalain na aabot pa din pala kami sa puntong ito.

Kailangan ko ng maghanda sa mangyayare.

"Lets go" pag aaya nya at pinapasok na ako sa kotse nya.

Patungo na kami sa school para sunduin si bryden.

Nang naipark na namin ang sasakyan ay nagdiretso na kami sa loob.

Nakita ko si Bryden na kasama ni Bryan at kumakain sila ng donut.

Nang mapagawi ang tingin samin ay agad na napangiti si bryden.

"Papaaa!!" malakas na tawag nya at patakbong lumapit sa kasama ko.

Tipid na ngumiti sakin si Bryan, Dont worry Bryan di ka na mahihirapan ng ganito.

Habang palapit ito samin ay alam kong nasasaktan ito.

"Imissyou papa, akala ko kinalimutan mo na ako." Rinig kong sambit ng anak ko habang karga ni zack.

"I miss you more bryden, so saan mo gusto magdinner?" tanong nito

"Kahit saan papa" tugon ng anak ko bago nagpababa

"Papa sya nga pala si Tito Bryan kaibigan sya ni mommy" pagpapakilala nito

Tumango si Zack kay Bryan, ngunit walang emosyon lang itong tinitigan ni Bryan.

"Tito Bryan sya yung papa ko" tiningnan ni bryan ang gawi ni bryden at hinawakan nya ito sa ulo ng nakangiti.

"Papa pwede ba natin sya isama sa family dinner natin?" Napalunok ako sa tanong ng aking anak.

"Oo naman bryden" mabilis na sagot ni Zack

Hinila ni Bryden ang kamay ni Zack papunta sa kotse nito.

Sumunod ako dito ganun din si Bryan

"pasensya ka na" sambit ko ng magkatabi kami

Ngumiti ito ng tipid bago tumango sakin.

Nang makarating kami sa restaurant ay nag order agad si Zack

"Tito Bryan wala po ba kayong anak?" Tanong ni Bryden nagkatinginan kami ni Bryan.

"Meron akong anak Bryden" tugon nito bago tumingin ulit sakin.

"Really? Pwede ko ba sya mameet?" Tanong ng anak ko hinawakan ni Zack ang kamay ko at agad yun nakaagaw ng atensyon kay Bryan.

Agad akong humarap kay Bryden upang mailayo ang kamay ko kay Zack, ayoko nang masaktan pa lalo si Bryan.

"Anak, ang dami mo naman tanong" nangingiti kong sambit dito.

"Gusto ko po kasi ng kalaro sa bahay" maktol nito sakin iimik na sana ako ng biglang inunahan ni Bryan.

"Malapit ka nang mag karoon ng kalaro Bryden" seryoso nitong sabi bago tumingin sakin at kay Zack.

Napakuyom ang kamao ni Zack, nakipagtitigan si Bryan dito na parang inaasar nya pa lalo.

"Masusundan ka na" dugtong pa nito na patuloy pa din ang pagtitig kay Zack.

"Really mommy?" tanong ng anak ko

Nangapa ako ng sasabihin dito ng magsalita si Zack.

"Kung yun ang gusto mo bryden gagawa kami ng mommy mo" marahas akong napalingon dito

Nagtiim bagang si Bryan bago nanlisik ang matang tinitigan ito.

Hinawakan ko ang kamay ni bryan na nasa lamesa.

Nang bumaling ito sakin ay napalitan ng masuyong tingin ito, lumambot ang nakakuyom nyang kamao.

"Excuse me" paalam nito at mabilis na nilisan ang restaurant.

"Magkaka kapatid na ba ako mommy?" tanong ni bryden ang nakapagpalingon sakin.

"No baby nagjojoke lang papa mo" at ginulo buhok nito.

Sinimangutan nya ako na nawala agad ng dumating na ang order namin.

Sinamaan ko ng tingin si Zack, marahan nyang hinawakan ang kamay ko ngunit mabilis ko din iniwas ito sa kanya.

Hindi ko sya mapapatawad ngayon.

Im sorry Bryan di ko gustong saktan ka ng ganito, hindi ito yung paraan ko sana mapatawad mo ko alam kong nasasaktan ka ng sobra ngayon.

Naluluha akong tumingin kay bryden na kumakain ngayon.

Sana matanggap mo ang totoo mong ama bryden.

Tumingin ito sakin at ngumiti bago sinenyas ang pagkain.

Ngumiti ako dito at isang sulyap pa ang ginawa ko sa labas ng restaurant ngunit wala na dun ang kotse ni Bryan.

Lost Love Found (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon