KABANATA 1

1.1K 50 16
                                        

"Bryden, go to your room" utos ko sa aking anak na katatapos lang maglaro sa bakuran namin.

Umakyat ito sa kwarto kasama ang kanyang yaya.

Anim na taong gulang na ito, at anim na taon na din kaming nandito sa probinsya ng cebu.

Mas pinili naming mamuhay ng kami lang at malayo sa aking pamilya.

Hindi ko na din hinanap pa si Bryan sapagkat hindi ko din ito matatagpuan.

Wala na din kami naging balita sa kanya.
Hindi ko naman inilihim sa aking anak kung sino talaga ang totoo nyang ama.

Minsan ay dumadalaw si Zack dito upang bisitahin kami ng aking anak, nasanay na din si Bryden na papa ang itawag dito.

Umakyat ako upang sundan ang aking anak sa silid nito.

Mas maliit ang bahay namin dito kung ikukumpara sa bahay ng mga Wilson.

"Mom" sambit nya ng binuksan ko ang pintuan.

Kalalabas nya lang sa banyo at basang basa pa ito.

Kinuha ko sa kanyang yaya ang towel at ako na ang nagpunas dito.

Madahan nyang hinawi ang aking kamay.

"Big boy na ako." Aniya at kinuha sakin ang towel at pinagpatuloy ang pag pupunas.

Napailing nalang ako na tumayo.

Matured na syang magisip tulad ng kanyang Tito Naji.

Nakakatuwa at nakuha nya ang ugali ng Wilson.

Pumunta ako sa kanyang closet at kinuha sa isang pares ng kanyang susuotin para sa pagsimba namin.

"Mom? Kasama ba natin si papa?" tanong nya na ang tinutukoy ay si Zack.

"I dont know bry, he said na susunod nalang sya." Sagot ko at binigay sa kanya ang susuotin nya.

"But why?" Tanong nya ulit.

Nagkibit balikat nalang ako dito, sumimangot ito kaya lumapit ako.

"Dont worry bry, susunod ang papa mo." Medyo umaliwalas ang mukha nya at tumango ito bago kinuha sakin ang damit.

Hinawakan ko ang ulo nya bago ko nilisan ang kwarto nya.

Nagtungo ako sa kwarto ko at nagayos na din.

"Mom, im already hungry na" aniya at may paghawak pa sa tiyan nya.

Inakay ko sya papunta sa paborito nyang kainan sa Jollibee,

katatapos lang namin sumimba kaya gutom na si bry maglalunch na din naman.

Umorder ako bago bumalik sa inupuan namin.

Luminga linga ito sa paligid na para bang may inaasahan na panauhin

"Anong problema bry?" Tanong ko dito na ikinaharap nya sakin.

"Where's my papa?" nalulungkot nyang wika sakin.

"Papunta na sya bry intayin nalang natin ok?" pagpapagaan ko sa loob nito kahit na hindi ko alam kung nasaan si Zack.

Tumango ito at umayos ng upo.

Tumayo ako upang tawagan si Zack, nagtungo ako sa may comfort room.

"Hello Zack?" panimula ko

"On the way na ako Janica" sagot nya na mukhang alam kong bakit ako tumawag.

"Bilisan mo kanina pa sya nag iintay, nandito kami sa jollibee" ani ko sa kanya.

Lost Love Found (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon