"Bakit hindi tayo mag outing anak?" anang ni mom.
Tumango ako dito, simula nung paguusap namin kagabi ni Bryan ay halos nawala ako sa aking sarili. Mabuti na din at hindi nagusisa pa si Zack tungkol doon.
"I like it grandma." Masayang sang ayon ni Bry habang kumakain.
"Ma pwede ko bang isama ang kababata ko." Tanong ni cheska, Tumingin muna sakin si Mom at ngumiti lang ako dito.
"No Ches, may lakad pa kami ni Bryan." Walang ganang sambit ni faith.
"You can come if you want." Agad kong sabi at tinapos na ang pagkain.
"Thanks for inviting us but we will also leave after breakfast." Mapait nyang sagot bago binaling ang atensyon kay Bryan.
"Alright" ginantihan ko ang pagkatabang ng sinabi nya.
"Come here Bryden, excuse us." Pagpapaalam ko at hinila na ang anak pataas upang magayos ng mga gamit na dadalhin.
Ng maayos ko na ang mga dadalhin namin para sa outing ay pumasok si Kuya.
"Are you ok?" kuryoso nyang tanong.
"Of course im ok" ani ko at binitbit ang bag na may laman ng damit namin nina Bryden at Zack.
"Let me" presinta nya at bumaba na kami
"Im so excited mom" bulalas ni Bryden at nagpakarga pa sa papa nya.
Nang makalabas kami nina kuya sa harden ay laking gulat ko ng nandun pa sina Bryan.
"Are you ready bryden?" Tanong ni mom at kinuha kay Zack si Bry.
"Of course grandma" nauna na sila sa Van na aming dadalhin papunta sa beach.
Nagtagal ang tingin ni Bryan sa kamay ni Zack na nasa baywang ko, hinila sya ni Faith papasok sa Van sa tingin ko ay sasama sila.
"Nagpumilit si Bryan na sumama gusto daw nya makabonding ang anak nya." Ani Dad na mukang nabasa ang nasa isip ko.
Ngumiti lang ako dito bago sumakay sa van.
Si Dad ang nagmaneho, si Bryden naman ay nasa fronseat katabi ni Mom habang nasa likod nya kami ni Zack at sina Kuya, Cheska, Faith at Bryan naman ang nasa likudan namin.
Malayo layo din ang naging byahe namin.
Napakasariwa ng hangin sa lugar na to, talagang makakapagrelax at mageenjoy ka.
Ang mapino at puting buhangin na kay sarap sa paa, ang asul na tubig sa dagat at hindi masyadong mataong dagat na ito ay talaga nakakagaan ng loob.
Sa may puno malapit sa dagat ay naglatag at nagtayo kami ng tent upang doon manatili.
Nilabas at hinakot din ng mga lalaki ang pagkain at inumin na nasa sasakyan.