Chapter 25
"Bumagsak si Jaist?" Usisa ni Karen saakin, andito kami ngayon sa isang mall.
Malapit na birthday ni daddy, kaya naghahanap ako ng pwedeng ipang regalo sakaniya.
"Sabi ni Mike" I shrugged.
"Not sure ka? Ang talino kaya niya. Paano siya babagsak?"
I really don't know what happened, hindi rin naman nag kwento saakin si Mike. Hinatid niya lang si Amber sa airport, sinabihan niya akong huwag na naming ungkatin 'yon.
Kaya naman hindi ko na inusisa pa siya, ayoko lang ding maka abala sakaniya dahil busy siya sa SSC. Mas maganda kung mag focus kami sa mga study namin.
1 week after maging official kami, naging maayos ang relasyon namin. Agad niya 'yung pinaalam sa pamilya namin. He seems happy, at nakakatuwa lang na tila nanalo siya sa lotto para mag saya.
"Tingin mo magugustuhan 'to ni daddy?" Pinakita ko sakaniya 'yung isang suitcase.
"Wala namang hindi magugustuhan ang daddy mo, lalo na kapag sayo galing"
She's right, my dad never demand me things. He's fine to my time, ayos na siya magkasalubong lang kami sa campus. Kaya naman binili ko na 'yon.
Pagkauwi ko sa bahay naabutan ko si kuya na nanonood ng anime sa sala, kaya agad siya napasulyap saakin at sa dala ko.
"Pupunta ka talaga?" Tumango ako at tumabi sakaniya.
"Ikaw ba?" He smirked.
"I'd rather sleep, than go there and see him" napa iling na lang ako.
Until now, hindi niya parin kayang tanggapin si daddy. Hindi naman kasi madali 'yon, I understand him.
Umakyat na lang ako sa kwarto ko at nag shower, I wore t shirt and highwaisted short. Aalis ako ngayon dahil magkikita kami ni Mike.
Hindi na rin ako nagtagal at pumunta na ako sa pagkikitaan namin, pero dahil maaga pa naisipan kong dumaan sa UP.
Dumiretso ako sa opisina ng SSC, nakita ko agad sa hallway si Claire. Kaya napakunot ang noo ko, ano namang ginagawa nito rito?
Lumabas si Mike, kaya automatic na nagtago ako sa locker. Para marinig ang pinunta ni Claire rito. Curious lang ako, bakit ba?
"1 minute, I have a lots of things to do" bored na sabi ni Mike.
"Iimbitahan sana kita sa birthday ni dad, he mentioned that he want to meet you"
Bitch! Of course dad wants to meet my boyfriend, you don't have to remind him that.
Lumabas na ako roon at lumapit sakanila, gulat pang nakita ako ni Mike. Agad siyang napangiti ng makita ako, at agad akong sinalubong ng halik sa pisngi.
"How's your day?" Pagbabalewala ko sa presensya ni Claire.
"Nakakapagod, pero binibilisan ko na rin".
Tumango siya at humarap kay Claire "Thanks for iniviting me" sabi niya at tumango lang si Claire.
Sinundan ko pa siya ng tingin pero agad 'yung natigil ng hilahin na ako ni Mike. Pagpasok ko nakita ko kung gaano sila ka busy, binati lang ako ng mga kapwa niya officers.
BINABASA MO ANG
Chasing You (Senior High Series #2)
General FictionSenior High Series #2 HUMSS After being a victim of bullying Mira, a HUMSS student became the worst enemy of bullies in Faina University. Chasing people isn't her thing, not unless she fell in love with a playboy STEM student, not knowing that Mike...