Chapter 30
I can't really imagine, that Mike will do this to me. Just… how? Am I not enough? Did I do wrong? I don't really know. Paulit ulit kong tinatanong sa sarili ko kung bakit?
Saan ba ako nagkulang? But, I love him. To the point that I still want to hear his side. Paano kung mali ako? Paano kung kakilala niya lang? Pero bakit hindi siya magsabi sa akin?
Hindi ako nakatulog ng maayos nang gabing 'yon, may pasok pa ako kinabukasan pero lutang ako. Nag iisip ako ng paraan para kausapin si Mike, gusto ko ring sundan siya. Ghad! Nababaliw na ata ako!
Wala ako sa sarili habang nag titipa ng balita sa lamesa ko, hindi ko na rin mabati pabalik 'yung mga kasamahan ko dahil kahit nakatutok ako sa computer ko naglalayag naman ang isip ko papunta kung saang hindi ko malaman.
"Mira, pinatatawag ka ni Ma'am Clara sa office niya". Agad akong tumayo para puntahan ito sa opisina niya, nakangiti siyang bumungad saakin.
"Good morning, Ma'am".
"Have a seat Ms. Perez" tinuro niya ang sofa kaya sumunod ako sa pag upo.
"May ipapagawa po ba kayo? Or may mali po sa pinasa kong article?".
Umiling siya at ngumiti. "Nalaman ko na boyfriend mo si Fernandez?"
Napayuko ako at hindi na sumagot ko. Tumikhim siya at tila nag seryoso na, ano naman kayang kinalaman ni Mike rito?
"I have a project, article about Senator Salazar". Nag taas ako ng tingin sakaniya, mariin siya nakasulyap saakin. "Close sila ng boyfriend mo, baka matutulungan mo ako?".
"Actually Ma'am, I'm not meddling in my boyfriend's career. I'm just on his side to support him in whatever he wants to do".
"Pero kukunin kitang partner ko sa project na 'to". Natulala ako sakaniya, bakit niya naman ako kukunin? Magaling si Ma'am Clara sa ganito pero hindi ko lubos maisip na kukunin niya ako.
Pinaliwanag niya saakin ang proyekto, hindi ko maiwasang humanga sa galing niyang maging kapareha sa ganito. Mababakas mo talaga ang kagalingan sa larangang tinatapakan niya.
She gave me some information about Senator Salazar, I saw him one time. Sa isang gathering na dinaluhan namin ni Mike, but I never talk to him in person.
May nagdadawit sa kanya sa isang drug syndicate, people say he is also a corrupt politician. But now, we need to find out if he's connected to a farmer from Nueva Ecija's death.
Binigyan ako nito ng kopya, hindi ko alam pero paanong nangyaring nagkaroon siya ng mga ganitong impormasyon. Ngumiti siya ng mabasa ang ekspresyon ko.
"My boyfriend is a secret agent". Napatango na lamang ako sa sagot niya.
"You looked good together".
"Po?"
"You and Mr. Fernandez". Ngumiti ako dahil hindi lang naman siya ang nagsabi no'n.
"Salamat po". Ngumiti ako ng tipid.
"You know what, people say you're a mistake of one honorable ex judge of supreme court". She smiled and looked at me. "But, you're very special. I love the way you act, you work. I admire you because of your works, you're too professional. That's why I'm asking myself why? People hate you? Is it because of your father?"
BINABASA MO ANG
Chasing You (Senior High Series #2)
General FictionSenior High Series #2 HUMSS After being a victim of bullying Mira, a HUMSS student became the worst enemy of bullies in Faina University. Chasing people isn't her thing, not unless she fell in love with a playboy STEM student, not knowing that Mike...