16

289 18 0
                                    

Chapter 16

Tumalikod ako at naglakad na palabas ng Faina, hinarang ako ng guard.


"Hindi pa po tapos ang program"


"Kailangan ko nang umuwi"


"Kailangan niyo po munang pumirma rito sa log book namin na nag out po kayo pati na rin ang oras ng paglabas niyo"


"Give me that damn notebook" inabot nila saakin 'yung ballpen at log book.


Pumirma lang ako saka na nila ako hinayaang makalabas ng gate. Wala pang jeep na dumadaan kaya nag lakad lakad na lang ako.


Hindi ko na alam ang gagawin ko, ang iisipin ko, ang nararamdaman ko. Naguguluhan na ako. Hindi ko alam kung anong dapat unahin.


Am I jealous?

Of course I'm not!

Puno 'yung jeep na dumaan, kaya kailangan ko pang maghintay ulit. Nakita ko ang isang paparating ng kotse at kilala ko ito. Huminto ito sa harap ko.


"Mira" tawag niya saakin, hindi ko siya pinansin pati ang presensya niya.


Hindi kita kailangan ngayon, kaya bakit nandito ka. Naiinis ako sayo!


"Why are you here?" Hindi ko siya sinagot kaya napapikit siya sa pagpipigil na masigawan ako

"Mira... I'm talking to you"


"I don't want to talk to you" malamig na sagot ko.


"Let's go, I'll take you home"


"Leave me alone, that's what I want"


"Mira, let's go"


"Bingi ka ba? Sabing gusto kong iwan mo'ko"


Huminga siya ng malalim "Tara na, Mira. Pagod ako wag ka ng makipagtalo"


Hindi parin ako nagsalita, pero agad niyang kinuha ang kamay ko at sapilitan akong sinakay sa kotse niya.


"Tanga ka ba? O sadyang bingi ka?!"



Hindi siya sumagot at inistart na ang kotse.



"Ano ba Mike?! Ibaba mo na ako uuwi na ako" Sigaw ko. Pero hindi siya natinag.



"Bingi ka ba, o tanga ka lang talaga?!" Sigaw ko ulit but this time bigla siyang pumreno.



"What the fuck!" Binalingan ko siya. "Kung gusto mong mamatay, ikaw na lang"



"Siguro nga tanga ako" natigil ako sa sinabi niya "I'm so stupid for loving a person that I can't have, for falling to the person whose busy falling for other man. So stupid..." tumingin siya saakin at sa unang pagkakataon nakita kong tumulo ang luha niya.



"Mike"



"for chasing you, Mira" natigil ang lahat, natigil ang bawat iniisip ko ang agam agam ko.



Muli siyang nagmaneho pero nanatili ang mata ko sakaniya. Totoo ba lahat ng naririnig ko? I know I'm expecting it but my mind can't process it.


Walang pumapasok sa isip ko, habang nasa sasakyan niya kami. Nagmamaneho lang siya at seryoso ang mata sa daan. Samabtalang ang utak ko ay oarang sirang plakang pinapaalala ang mga sinabi niya.


Chasing You (Senior High Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon