22

324 17 5
                                    

Chapter 22

Mabilis na lumipas ang mga araw, at kailangan ko nang maghanap ng university na papasukan sa college.


Hindi parin kami nagkakausap ni kuya, humupa na ang inis ko pero nahihiya akong i approach siya.


Okay fine. Alam kong may mali rin ako, hindi dapat ako nainis kasi tama naman siya e.



Pinoprotektahan niya lang ako, but I'm not 16 years old girl.



Nagkasalubong kami ni kuya sa hallway ng second floor pero tinignan niya lang ako at pumasok na siya kwarto niya. I sighed.


"Ano ba kasi ang plano mo?" Tanong ni Mike, habang nag fi- fill up siya ng form.


Nandito kami ngayon sa UP, dito talaga siya mag aaral. Samantalang ako, hindi pa ako sigurado.


"Nahihiya ako e" nakangusong sagot ko, tinutukoy niya kasi ang hindi namin pansinan ni kuya.


"He's still your brother, after all. He's right, his just protecting you".



"Alam ko"



Saglit niya pa akong tinignan at bumuntong hininga. Sumuko na rin siguro sa taas ng pride ko, e sa nahihiya ako. Anong magagawa niya?


"Tapos ka na ba?" Tanong ko sakaniya.



"Sandali na lang" sagot niya, kaya tumango ako.


"Mira" napatingin ako sa tumawag saakin.


"Dad!" Sagot ko pabalik, pero agad din akong nahiya. Nagtinginan sa'kin 'yung mga tao.


Hanggang ngayon ay masaya parin akong tawagin siya ng gan'on miske siya ay natutuwa.
Lumapit ako sakaniya, nakangiti siya saakin. Kaya nginitian ko rin siya.



"Nakapag enroll ka na?" Tanong niya, umiling ako.


"Hahanap pa po ako university" sagot ko.



"Bakit hindi ka na lang dito? Mataas ang grades mo. Makakapasa ka sa requirements"



"Ayaw ni Mommy"





"I'll talk to your, Mom. Don't worry, sige na mag fill up ka na. Ma le- late ka sa klase kung hindi ka pa makakapg enroll this week". Tumango lang ako, at sinamahan ako sa course na gusto ko.




Nakangiti ako habang nag lalakad, I can't imagine going to enrollment with my dad. It felt surreal.



Nakangiti parin ako habang nag susulat ng info sa form na binigay saakin. Hindi ko maiwasang maging masaya, kahit na alam kong may problema parin.


Tumingin ako kay dad, at nakatingin lang din siya saakin. Nang makitang nakatingin ako ngumiti siya.



"Bakit po?"



"I'm thinking something"



"What is it?" Baling ko sakaniya, habang inaabot ang form ko sa registrar.



"Changing your last name to Altrazan"



Naiwan ang kamay ko sa ere, matapos kong iabot ang form ko. Saka ako gulat na nakatingin sakaniya.



"D-dad?"



"Your my daughter, I want you to write your name before my surname"



Chasing You (Senior High Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon