Chapter 19
Monday today, at ngayon ang final publication ng news paper at magazine ng MPFU. Naeexcite lang ako at nalulungkot at the same time.
This is my last article, and last issue in MPFU news paper. Some of my photos are used also for our magazine. I'm very excited to carry it in my hands.
Pababa na ako ng hagdan ng marinig ko nanaman ang usapan ni mommy at kuya mula sa sala. Kaya nagtago ako gilid dahil hindi nila ako makikita rito.
"I told you, Caine. I don't know" si Mom.
"Then, why he's here? Really mom?" Ani kuya.
"Pagtatalunan talaga natin, Caine?"
"Why you just tell me the truth?"
"Hindi ka ba naniniwala sa sinabi ko?"
"Bakit kasi kailangan niya pang magpakita saatin?" Halata ang iritadong boses ni kuya.
Kaya naman dali dali akong bumaba ng hagdan. Nagulat pa sila ng makita ako. Kaya natahimik sila.
"Ang aga niyo naman magtalo" sabi ko, at natigilan sila habang nakatingin saakin.
I smiled at them, lumapit ako kay mommy para halikan siya sa pisngi. Ganon din kay kuya.
"Isasabay na kita sa pagpasok anak" aya ni mommy, habang naglalakad kami papunta sa dining area.
"Huwag na, Mom. Isasabay daw siya ni Mike" napatingin naman saakin si Mommy.
"Mabuti at nagiging maayos na kayo ni Mike, anak?" Dagdag niya habang pinagsasandukan ako ng fried rice.
"Maayos naman na po kami" sagot ko.
"Mabuti naman kung ganoon"
"Ma, sasama sana ako kay Mike." Napatingin din tuloy si kuya saakin.
"Saan?" Kunot noong tanong ni Kuya.
"UP Diliman"
Napaubo si kuya kaya inabutan siya ni Mommy ng tubig.
"Bakit?" Agad niyang tanong.
"Doon kasi siya mag aaral"
"At doon mo rin plano?"
"Plano ko na talaga noon pa, kaso ayaw ni Mommy"
"Tama 'yan follow Mom, she knows what's best for us" sagot ni Kuya, habang umiinom ng tubig.
Nang matapos naming kumain, sakto namang pagdating ni Mike. Inaya pa siya ni Mommy na mag agahan pero sinabi niyang kumain na siya.
Papaalis na kami ng tawagin siya ni kuya, sinabi lamang nito na mag uusap sila mamaya. Mukhang seryoso dahil sumeryoso rin si Mike. Hindi ko na lamang pinansin at pumasok na ako sa sasakyan ni Mike.
Namimiss ko na tuloy magmaneho, minsan nga hindi ako sasabay kay Mike. Para naman magamit ko 'yung sasakyan ko. Lagi na lang si kuya gumagamit.
Palabas kami ng village ng makita si Judge Altrazan, kaya napasunod ako roon. Kaya naman napansin ako ako ni Mike.
Tinanon niya ako kung bakit pero sinabi ko lang na wala 'yon. Baka namamalik mata lang siguro ako. Sinandal ko na lang ang ulo ko sa bintana.
Pagkarating ng school ay agad akong lumabas sa kotse niya. Sinabihan niya ako na hintayin ko siya dahil mag sa sign in lang siya sa SSC. Tumango lang ako, at hinintay siya sa labas ng office.
BINABASA MO ANG
Chasing You (Senior High Series #2)
Ficción GeneralSenior High Series #2 HUMSS After being a victim of bullying Mira, a HUMSS student became the worst enemy of bullies in Faina University. Chasing people isn't her thing, not unless she fell in love with a playboy STEM student, not knowing that Mike...