Chapter 18
"Can I hold your hand?" Diretsong tanong saakin ni Mike, naglalakad na kami papunta sa restaurant.
Tinignan ko siya, kaya tila nahiya pa siya sa tinanong niya.
"Never mi---
Natigilan siya ng hawakan ko ang kamay niya, pinagsiklop ko ang mga daliri namin. Nakatingin lamang ako sa kamay namin, saka ako nag angat ng tingin sakaniya.
Nakatingin din siya saakin, pinapanood ang bawat galaw ko. Kaya natawa ako sakaniya.
"Bakit?"
Umiling siya, at ngumiti na ng lubusan.
"Kinikilig lang ako" lumakas lalo ang tawa ko sa sinabi niya.
"Really?" Hindi ako makapaniwalang sakaniya pa talaga galing 'yon imbes na saakin.
"It's kinda gay, but its true" umiwas siya ng tingin. Kaya naman agad kong hinuli ang mga mata niyang kung saan saan bumabaling.
"Iba ka rin no?" Natatawa ko paring sabi.
"If you don't stop laughing, I'm gonna kiss you" natigilan ako sa pagtawa at bumilis ang pintig ng puso ko nang lumapit siya saakin.
Ako naman ngayon ang natameme sa sinabi niya, saka siya umiling habang nakangiti.
"N-nagugutom na ako" umiwas ako ng tingin.
"Tara na" sabi niya saka ako hinila para pumunta sa restaurant.
Sa tabi lamang ito ng Manila Cathedral, maganda ang view dahil nasa roof deck kami ng restaurant. Gabi na kaya mas maganda ang ambiance ng paligid.
Nakatingin lamang ako sa paligid, at naisipan kong kumuha ng short video para i Ig story. Matapos no'n ay sinabihan na ako ni Mike na umorder na.
I'm on my diet but It seems like they foods are good, so scratch that diet. I ordered rice and roasted beef steak. Umorder din si Mike ng wine, and dessert.
"Ang ganda rito ah" sabi ko sakaniya habang hindi mapigil ang pag linga linga.
Tumingin ako sakaniya, at nakita ko nanamang kinukuhanan niya ako ng picture.
"Hey, make sure maganda ako d'yan" sita ko, sabay peace sign para kuhanan niya ako ulit ng litrato.
"Sure" sagot niya, tinuro niya 'yung isang side.
"Dito ngiti ka"
Sinunod ko naman ang gusto niya, nag pose lang ako nang nag pose roon, kinuhanan ko rin siya ng picture.
"Andoon na ata 'yung order natin" sabi ko, paalis na ako ng hilahin niya ako sa kamay. Pagharap ko ang pag click niya sa phone niya.
"Ano ba, mike?!" Reklamo ko.
"Why?" Halakhak niya.
"Tigilan mo na 'yan. Nagugutom na ako, tara na" saka ko siya hinila pabalik sa table namin.
Nagsimula na kaming kumain, hindi namin tuloy naiwasang pag usapan ang mga bagay bagay sa school.
"Ikaw pala dahilan bakit napaamin si Jaist ng wala sa oras" aniya.
"Bakit? Ang torpe kasi" I rolled my eyes while sipping on my wine.
"Wala lang" umiling siya.
"Sigurado ka na sa Pol-Sci?" Tanong ko habang naghihiwa ng steak.
Tumango siya, "Yeah. UP Diliman, actually"
BINABASA MO ANG
Chasing You (Senior High Series #2)
General FictionSenior High Series #2 HUMSS After being a victim of bullying Mira, a HUMSS student became the worst enemy of bullies in Faina University. Chasing people isn't her thing, not unless she fell in love with a playboy STEM student, not knowing that Mike...