Chapter 35
"Intindihin mo na lamang siya anak, nasaktan 'yon nung iwan mo siya e"
Pinunasan ko muli ang luha ko, saka ko siya hinarap. "Hindi po ba parang sobra naman?"
"Sobra rin kasi 'yung sakit na iniwan mo sa kanya anak, hindi sa kinakampihan ko si Mike".
Tumango ako, totoo naman e. Totoong totoo, hindi ko maiibsan 'yung sakit na dinulot ko kay Mike. Wala akong karapatang mag reklamo, but seeing him with other girl make me wanna cry.
Hindi niya man lang ba ako bibigyan ng pagkakataong ipaliwanag ang side ko? Ayaw niya bang malaman kung bakit ako umalis? It's for our own good, pero ayaw niya talaga.
Umuwi ako sa probinsya para bisitahin ang renovation, I stayed there until sunday. Lumuwas din ako dahil papasok na ako muli sa trabaho ko, inaabangan na rin ako ni Miss Clara.
Si Kuya lamang ang naabutan ko sa bahay, nagbabasa siya ng libro about law and I smiled because of that. Mukhang nag kaka interest na nga siya roon.
"Gusto ko 'yung bagong laro ngayon ah" si kuya.
"Anong laro?"
"Yung ni lunch nila Jaist, tropa mo 'yon diba? Ay ng jowa mo pala"
"Anong jowa?"
"Ex jowa, chill." He smirked, I rolled my eyes.
Pumasok na ako sa opisina ko kinabukasan, nagkaroon nang unang project ang lahat. Kasama na roon ang pagsama sa mga politician sa bawat programa nila.
Kailangan kong umiwas kay Senator Salazar, kaya naman masaya ako na hindi ako roon napunta. Kundi kay Mike, nakangiti pa akong tumango ng malaman 'yon.
Sumama nga kami sa programag ginagawa ni Mike, masaya niyang binati ang team niya. Ang ilan doon ay kilala ko parin kaya binabati nila ako, nagtataka naman ang ibang hindi ako kilala. Pasalamat na lang talaga at hindi na sila nag ingay, ngayon pang nalaman kong kasama pala si tito Michael.
Binati ko siya at tango lamang ang sinagoy niya, pumunta na kami sa destinasyon nila. Sa antipolo, doon sa bundok. Dahil may mga tao raw na naninirahan doon, ayon naman talaga ang layunin ni Mike.
Nang makarating doon ay nag kanya kanya na kaming pwesto, may iilan na kumukuha na ng litrato. Ako naman ay panay ang sulat ng mga bagay bagay at kaganapan.
I was standing in a side when 2 men pushing the other man, I looked at them ang they laughed. Weird. Aalis na sana ako roon ng lumapit na 'yung lalaking tinutulak nung dalawa niyang kasama.
"Hi, I'm from the team. Ikaw ba?"
"Media"
"Akala ko, student ka parin. Tatanungin ko sana kung sa UP ka rin"
"I was been the student there"
Napatango naman siya, naglahad siya ng kamay para makipag kamay.
"I'm Josh, and you?"
"Josh!" Tawag nung lalaking kasama rin nila sa team.
"Pinapabilis na ni Senator 'yung tent" utos nito, kaya nagkamot sa ulo yung Josh at nagpaalam na.
Umiling na lamang ako at nagpatuloy na sa ginagawa, pasado alas dos ng tawagin ang lahat para sa pagsisimula ng programa. Hindi naman ako magkanda ugaga sa paglilista ng mga sinabi ni Mike, jusmeyo ang bilis niya naman kasi magsalita ano diyan?!
BINABASA MO ANG
Chasing You (Senior High Series #2)
Ficción GeneralSenior High Series #2 HUMSS After being a victim of bullying Mira, a HUMSS student became the worst enemy of bullies in Faina University. Chasing people isn't her thing, not unless she fell in love with a playboy STEM student, not knowing that Mike...