34

260 14 1
                                    

Chapter 34 

"M-mike?" 


"Napaaga ba ako?" Bakas sa boses niya ang lamig. 



"H-hindi naman, pinatawag ko na si Michelle" 




Tumango siya, tinuro ko ang sofa at nagtawag nang mag aasikaso sa kanya. Nag uunahan pa ang mga kasambahay namin, dahil oo nga pala mga taga hanga sila ni Mike. 




Nakasalubong ko pa si Michelle na nagmamadali, nakangiti niya akong binati at sinabi kong nasa baba na ang kuya niya kaya bumaba na siya agad. 




Dumiretso ako sa kwarto ko para makaligo na, muling uminit ang pisngi ko nang maalala ang nangyari kanina. Nakakaloka! 



"Kuya, satingin mo maganda na ang design ko?" Tanong ni Michelle sa kuya niya habang nasa lamesa kami nag aagahan. 




"Bakit saakin mo tinatanong?" 



"Gusto ko kasing makita mo, para hindi ako mapahiya kay ate Mira". 




Napangiti ako, "pagkauwi mo ipakita mo kay kuya 'yung interior at exterior design. Siya ang mag dedecide" 



"Akala ko sayo ito?" 




Umiling ako. "Wala akong planong tumanda rito" 




Napasulyap ako kay mike na nakatingin sa akin, nag iwas ako ng tingin at nagpatuloy na sa pagkain. 



"Hindi ka babalik ng manila?" Tanong niya.



"H-hindi pa" 



Tumango siya at uminom na ng tubig, nagpaalam siya ma mag c-cr kaya tinuro ko na lamang kung saan ito. 




Saglit lamang silang namalagi at nagpaalam na paalis, hindi matanggal amg tinginbko kay Mike. Na tila ayon na ang huli, kaya dapat ay sinusulit ko na.




Pero kumaway na ako ng makalabas na ang kotse ni Mike, doon ko lang napansing may kasama silang bodyguards kaya nawala ang pangamba ko. 



Usap usapan sa mga katulong ang nangyari kanina, panay din ang usisa nila sa akin kung kaibigan ko ba si Mike. Pero wala ako ni isang sinagot sa kanila, dahil bukod sa mag ex ay wala na akong alam sa sitwasyon namin. 




Ang sumunod na araw ay ang pagpunta muli ni Michelle sa probinsya para simulan na ang bahay, na aprubahan na ni kuya ang design kaya sinimulan niya kasama ang engineer na ka grupo niya. 




Hindi pa lumilipas ang isang linggo ay muli ako lumuwas ng Maynila, para sa isang book signing event. Kasama roon si karen, na tuwang tuwa dahil nagkita kami ulit. Tulad ko'y may book signing din siya kaya, matapos no'n ay nag bonding kami. 



"Bilib din ako kay Mike no? Ang lakas ng dating sa mga beauty queen e" sabi niya kaya napakunot ang noo ko. 



"Hindi mo alam? Usap usapang dating sila nung Miss Universe Philippines ah?" 




"Hindi ko alam" 




"Anyway, hindi naman 'yan magtatagal. Next week sa model naman siya ma li'link" 




Totoong linggo linggo ay iba iba ang nababalitang ka date ni Mike, madalas niya mang itanggi ito ay ayon parin ang nasa isip ng tao. 




Chasing You (Senior High Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon