24

263 16 7
                                    

Chapter 24

"Mike, b-bakit may pasa ka?"

Lulan ng sasakyan niya, ay alam kong hindi maganda ang mood ni Mike ngayon. Hindi ko rin alam kung bakit nagkaroon ng pasa.

"Mike, magsalita ka naman" nakatingin lang ako sakaniya, habang seryoso siyang nagmamaneho.


Hinatid niya ako sa bahay, at lumabas siya. Pinagbuksan niya ako ng pinto at lumabas ako saka ko siya hinarap.

"Mike, may problema ba?"

"Pagod ako" sagot niya, saka na siya umalis.

Pinanood ko lang na i park niya ang sasakyan sa tapat ng bahay nila, at dire diretsong pumasok sa loob ng bahay nila.


Ganoon na lang din ang ginawa ko, dahil hindi ko rin alam kung anong gagawin ko. Dapat siguro talaga mag paliwanag ako, pero wala naman akong ginagawang masama.

Lumipas ang mga araw na hindi kami nag uusap ni Mike, busy siya sa campaign at busy ako sa school. I joined in a club of journalism, para na rin mahasa ko ang skills ko sa pagsusulat.

"Alam mo 'yang si Sin minsan hindi ko maintindihan e" sabi ni Karen, habang kumakain.


Pinuntahan niya ako ulit, para sabay kaming kumain. Kinewento ko rin sakaniya ang nangyari saming tatlo, at ayon siya bwiset sa kakambal niya.

"Hindi ko alam kung anong gagawin ko"

Tinitigan niya ako. "Ikaw nga umamin ka"


Tinaasan ko siya ng kilay.

"Mahal mo na ba?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Napa iwas ako ng tingin.


Napatingin ako sa papasok na babae, si Claire. Kasunod niya si Mike. Kaya napatunga nga ako sakanila.

"Hoy, sumagot ka"


"Huwag kang maingay, si Mike kasama si Claire" bulong ko.

Tumingin siya roon, kaya namab hindi niya nanaman maiwasang kumuda ng kumuda.

"Sinasabi ko sayo, Mira" sabi niya, saka ako naglakad at nilayasan siya.


Kahit magsinungaling ako sa sarili ko, hindi ko maiwasang maramdaman na nasasaktan ako kapag nakikita ko sila magkasama.


Inabangan ko si Mike sa labas ng office nila, kaya naman nang makita ko siya ay agad ko siyang nilapitan.

"Mike" tinignan niya ako na inaabangan ang pakay ko.

"Kain tayo, treat ko" nakangiting aya ko sakaniya.


Inabot niya 'yung folder sa kasamahan niya at sinenyasan na mauna na sila.


"Busy ako, kumain ka na" sagot niya, hindi ko pinahalata ang lungkot ko at tumango tango.

"Mamaya na lang siguro?"


"May meeting kami ng partido"


"O-okay" tumalikod na ako, at parang gusto ko na lang tumakbo para hindi niya ako makitang naluluha.


Hindi ako tanga para hindi maramdamang iniiwasan niya ako. Hindi ako tanga para hindi malaman na may nagbago sa pakikitungo niya.


Is he tired pursuing me? I sighed.

Chasing You (Senior High Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon