20

328 20 7
                                    

Chapter 20

"Umayos kayo ng pila niyo r'yan!!" Sigaw ng President namin sa 3a.

Nandito kami kasi ngayon sa general rehearsal ng graduation namin. Bukas na 'yon, since general rehearsal namin isang beses lang ang rotation.

Dapat mahuhuli ang pasok ng mga with honors, dahil kailangan sila 'yung nasa unahan. But, probably they changed their mind.

Kabilang ako sa with honors, at si Mike ang nangunguna sa buong Humss. 3 weeks after the incident hindi na kami nagkausap pa ni Kyle ulit. I think, it's fine now. Okay naman na kami ni Mike, hindi na niya binanggit pa ulit ang nangyari.

Matapos ang practice, nagpaalam na si Mommy na papasok na sa trabaho kaya hinatid ko siya sa gate. Maiiwan ang students for some announcement.

Nagulat pa ako ng umupo sa tabi ko si Mike, kaya pinagtinginan kami ng mga kaklase ko. Rinig ko naman ang impit na tili nila Amber sa harapan.

Ang mga kaklase ko naman ay hindi magawang sumasawsaw dala na marahil ng takot nilang supalpalin ko sila.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Uupo" inosenteng sagot niya. Hindi na lang ako sumagot.

Nasa open court kasi kami at tinatakpan lang ng malaking tabing ang buong open court. Mainit dahil mag aalas dose na. Hindi rito gaganapin ang graduation. Pero dahil inaayos na ang stadium, dito ginanap ang General Rehearsal.

"Ang init" maarteng bulong ng katabi ko, totoong papainit na pero kailangan bang sabihin?

"Amber" tawag ni Mike rito, kaya lumingon ito.

"Problema mo?"

"Pahiram ako ng pamypay mo" sabi niya rito, kaya inabot ito sakaniya.

Binalik ko na lang atensyon ko sa phone ko, wala pa ang Principal namin kaya nag scroll lang rito.
Naramdaman ko ang hangin mula sa pagpaypay ni Mike, kaya napalingon ako sakaniya.

"Bakit?" Tanong niya habang pinapaypayan ako, luminga ako sa mga katabi namin na nagpipigil.

"Ako na" sabi ko, at kukunin ang pamaypay.

"Kaya ko namang gawin" sagot niya.

"Kaya ko rin"

"Pero ako naka isip nito, wag mong basagin ang pangarap ko"

Narinig ko ang tili ng mga kaklase ko kaya pinandilatan ko sila, nakakainis.

Napapikit pa ako sa frustration "anong pangarap pinag sasabi?" I'm trying myself not to shout at him.

"Pangarap kong paypayan ka" sabi niya sabay ngiti. At pinagpatuloy ang kahibangan niya.

"Bahala ka sa buhay mo"

"Anong number gusto mo?"

Tinanong niya pa talaga ako ah. Hindi ba niya ako talaga titigilan sa pinaggagagawa niya?

"10" I rolled my eyes, and back my attention to my phone.

Nagulat pa ako ng tumayo siya at pinaypayan ako ng pagkalakas lakas. Kaya nagtawanan 'yung mga kasama namin.

Agad ko siyang hinila paupo. "Can you fucking seat here? and stop doing that" inis na bulong ko sakaniya.

"Yes, but please stop cursing" ngumiti siya. Kaya nanahimik  na lang ako. Hindi ko alam pero napangiti rin ako sa ginawa niya.

Chasing You (Senior High Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon