39

328 14 2
                                    

Chapter 39 

Warning: Read at your own risk. 

I really need to go to my work to finish some news, ilang araw na akong absent buti na lamang at naiintindihan 'yon ng boss ko. 

Kaya pagdating ko ng opisina ay panay ang kamusta nila sa akin, panay din ang tanong kung may kaaway nga ba ako para ipapatay na lang. 

Wala ako ni isang sinagot sa kanila dahil bukod sa wala akong panahon doon ay pinorotektahan ko ang mga maaring madamay dito, dahil sa tuwing kikilos ako na hindi nagugustuhan ng kalaban ko ay gumagawa siya ng hakbang. 

Kaya mananahimik muna ako sa ngayon anatayin kung kailan ako pwedeng kumilos ng malaya, hindi ibigsabihing nananahimik ako ay hanggang dito na lamang 'yon. 

Gagawa ako ng paraan para matapos ito, at sa huli makikita mo Salazar kung ano ang mangyayari sayo at sa mga kasalanan mo. 

Hapon ng makatanggap ako ng tawag galing kay Mike, nalaman kong nagising na raw si Karen. Kaya maaga akong nag out para puntahan siya, para makita siya. 

Nagmamadali pa akong umakyat sa floor niya pero mas nagulat ako ng nag iiyakan na sa labas ng room niya ang pamilya niya, wala roon si Kyle pero andoon ang mga magulang niya na umiiyak. 

Naka sara na ang salamin para  makita ang nasa loob ng ICU, kaya hindi ko alam kung anong nangyayari. Nang makita ako ng mommy ni Karen ay agad niya akong nilapitan at hinampas ng bag niya. Tinulak tulak niya pa ako, at dinuro duro. 

"Kasalanan mo 'to lahat, ipanalangin mong maka survive ang anak ko. Dahil kapag hindi ay hinding hindi kita mapapatawad at siisguraduhin kong makukulong ka!"

"T-tita a-ano pong nangyayari?" Naguguluhan kong tanong. 

"Lumayas ka na rito, hindi ka namin kailangan!"

Tinulak niya pa ako para maka alis na, inaawat naman siya ng asawa niya dahil sinasaktan niya na ako ng pisikal. 

"Mira!" Napatingin ako kay Mike, na kararating lang. Bakit siya nandito? Nasa Senado siya dapat ah!

"Bakit ka nandito?" 

"I want to be here, ayos ka lang? Sinaktan ka ba nila?" 

Hindi ako sumagot at nagsimula na akong umiyak, kasi kahit hindi manggaling sa bibig ni tita alam kong hindi maganda ang nangyayari kay Karen. 

Niyakap niya ako at inalalayang ma upo muna, habang tahimik akong umiiyak at nanalangin na sana ay makaligtas si Karen. Dahil hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko. 

Ilang sandali lang ay bumukas ang pinto kaya dali dali kaming pumunta roon, tinabig pa ako ng magulang ni Karen para makapasok sila. 

Mula sa pinto ay rinig na rinig ko ang sinabi ng doctor na kasama ni Kyle, kasabay noon ang iyak ng magulang niya. 

"Karen Sion Montevilla, time off death 11:45 pm" saka tinabunan ng puting kumot si Karen. 

Nanlambot ang mga tuhod ko at napaupo na lang sa lapag, habang walang habas na tumutulo ang luha ko. Hindi ko alam lung matatanggap ko, kung makakaya ko. 

Ilang araw akong tulala sa kwarto ko, ilang araw akong hindi malaman ang gagawin. Umaasa na maibabalik ang bawat oras, umaasa na sana ay kaya kong gawin 'yon. 

Ako sana 'yon e, ako sana ang nag agaw buhay. Ako sana ang namatay at hindi siya, ako sana 'yon. Pero niligtas niya ako, niligtas niya ako at sa huli gusto niyang mahanap ko ang kasiyahan sa buhay ko. 

Chasing You (Senior High Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon