Chapter 32
Warning: death, and foul words.
"Ma'am namukhaan niyo po ba 'yung mga lalaking namamaril?"
Tulala akong naka upo sa labas ng emergency room, swerte pa ako at hindi ako tinamaan ng bala pero si Miss Clara ay nadaplisan sa kanang braso.
Kinakausap ako ng pulis na tumulong sa'min, swerte namin dahil may malapit na police station pala roon at narinig ang putok ng baril kaya agad silang pumunta.
Tulala parin ako habang hindi parin nag si'sink in sa'kin ang nangyari kanina, I almost die. I almost die without telling good byes to my love ones.
Ngayon ko lang napagtanto kung gaano kadelikado ang trabaho ko, natatakot ako para sa kaligtasan nila Mommy. It's already 5pm in afternoon, andito parin ako sa hospital.
"H-hindi ko po namukhaan" sagot ko.
"May alam po ba kayo, kung anong motibo sa pamamaril?"
Napalunok ako, syempre hindi ko sasabihin. Ayokong sabihin, natatakot akong magsabi paano kung inaabangan akong makalabas sa ospital na 'to?
"Mira!" Napalingon ako sa lalaking lumapit sa'min, agad akong yumakap sa kaniya.
"K-kuya" umiyak ako sa dibdib niya.
"What happened?" Tanong niya sa mga pulis na kasama ko, hindi ko na narinig ang usapan nila dahil panay ang iyak ko.
Inimbitahan pa ako sa presinto pero tumanggi na ako dahil gusto ko nang umuwi, ayoko na natatakot na ako. Akay akay ni kuya ay sumakay ako sa kotse niya, tahimik lamang ako habang nasa sasakyan. Panay ang sulyap niya sa'kin pero nakatingin lamang ako sa labas, at panay ang tingin sa likod at harapan baka harangin kami.
"Ayokong umuwi sa bahay" bulong ko, nagulat naman doon si kuya.
Tumango siya at niliko sa isang way ang kotse, nang makapasok sa basement ang kotse niya ay hindi na ako nagtaka. Kinuha niya ang bag ko, at inalalayan akong makababa sa kotse. Pumunta kami sa elevator para maka akyat sa floor ng condo niya.
Umupo ako sa sofa at pinatong ang ulo ko sa headrest nito, sumasakit ang ulo ko sa mga nangyari sa'kin.
"I will not force you to tell me the real story, but please…" napa pikit siya, pinipigilan ang emosyon niya. "Tell to kuya, if you need anything".
Lumapit ako sa'kanya at niyakap siya muli, hinalikan niya ako sa noo. Tinuro niya ang kwarto niya, para makapag shower na ako. Siya na raw ang magluluto sa hapunan, para makapagpahinga ako.
Nag shower ako at nagbihis, humiga ako sa kama ni kuya. Nakatingin sa ceiling niya, hindi ko ma proseso ang lahat. Ganito ba talaga 'to kahigpit, tila ayaw nga talaga niyang masira ang pangalang iniingatan. Hindi ko namalayang nakatulog ako at nagising na lamang nang gisingin ako ni kuya para maghapunan.
"Nag usap na kayo ni Mike?" Tanong ni kuya habang kumakain kami. Umiling ako.
He sighed. "He's waiting for you, magsabi ka sa'kanya. Nag aalala 'yon sayo"
"A-alam niya ba?"
"Wala akong sinabihan sakanila" tumango ako.
Matapos kumain ay nagpaalam na akong magpapahinga na. Tumango siya, at nagligpit na ng pinagkainan namin. Saglit lang akong nagmumuni muni, at nakatulog na rin agad.
BINABASA MO ANG
Chasing You (Senior High Series #2)
General FictionSenior High Series #2 HUMSS After being a victim of bullying Mira, a HUMSS student became the worst enemy of bullies in Faina University. Chasing people isn't her thing, not unless she fell in love with a playboy STEM student, not knowing that Mike...