8

374 22 2
                                    

Chapter 08

"Anak, Mira" tawag ni Mommy, ang aga niya naman akong gisingin.

Tinignan ko 'yung clock ko, 6am palang. 8am ang klase ko. Tamad na tamad akong bumangon, saka ako dumiretso sa cr.

Ayokong lumabas sa kwarto ng walang ayos, nagsepilyo, nagpalit ng t shirt saka ako nagsuklay bago ako lumabas ng kwarto.

Naabutan ko si Mommy, nag kakape siya sa sala habang may hawak ng magazine.

Nakangiti niya akong sinalubong, sinenyasam niya akong lumapit sakaniya.


Pag upo ko, napatingin ako room sa hinawakan niya. Hindi 'yon basta magazine lang, brochure 'yon ng theme para sa birthday party.

"Sa susunod na linggo na birthday mo, anong gusto mong motif"

"I don't want party, Mom"


Tinignan niya ako "Pero I want to give it to you"


"Gusto ko 'yung simple lang, I'm an adult now, for those birthday parties thingy"


Ngumiti siya "ang anak ko dalaga na talaga"


"Of course mom"


"What do you want, then?" Humarap siya sakin, saka ako tinitigan.

I want to meet him, mom.


But, I can't say it. Opening a topic about my father made my mom sad, and I don't want her to feel it again.

I shook my head, "I don't want anything"
Niyakap niya ako at hinalikan sa sintido, I really want to meet my father but I guess is not the right time for that.


Nag ayos na ako, para pumasok na. Nakita ko pa si kuya Caine na nag lilinis ng kotse niya. Kaya nagpahatid ako, tutal wala naman siyang ginagawa.


Pagdating sa school, dumiretso ako sa classroom. Natanaw ko pa si Mike, na busy makipag usap sa mga estudyante.


I texted Kyle, kung kailan kami babalik sa hospital para dalawin 'yung bata pero hindi niya na ako nireplayan.


Nag focus na lang ako sa discussion, matapos non ay sabay kaming kumain ni Karen. As usual ganon naman palagi ang routine namin, nakita ko si Kyle paglabas namin ng canteen kaya nilapitan ko ito.

"Kailan tayo babalik?"

"I'm busy"

"That's why I'm asking you when"


"I don't know"

"Baka hinahanap ka na ng bata"


Napahinto siya sa paglalakad sinusundan ko kasi habang nagsasalita ako, tinignan niya ako at umiling siya.


"If you want to go there, then go alone"


"Pero.."

"Hey, if you can't feel it. I don't want to be with you"


Diretsa niya sabi, saka siya naglakad ulit. Susundan ko pa sana siya ng salubungin siya ng isang babae, saka sila umalis.

"His new toy" napa iling na lang si Karen, napa irap naman ako. "I bet for 3 days"


Ganito kami, pinagpupustahan namin kung ilang araw tatagal ang babae ni Kyle sakaniya. Balak niya ata i date ang buong estudyante ng FU, lahat ng strand dinedate e.


Chasing You (Senior High Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon