33

289 14 1
                                    

Chapter 33

"Hindi po kayo nagsabi na pupunta po pala kayo rito, hindi ko po nalinis ang bahay" 


Sinalubong ako ng katiwala namin dito sa probinsya, sinadya ko talagang 'wag magsabi. Dahil biglaan lang din naman ang pag alis ko sa Manila, alas kwatro pa ng madaling araw ang naging dating ko. 


"Manang may mga nagtatanong tanong po ba rito tungkol sa'min?" 

Nag isip siya bago sumagot. "Wala naman po". 


"Kapag may insidenteng gano'n paki usap 'wag na 'wag kayong sasagot malinaw ba? Paki sabihan na rin ang iba". 



Lumabas na siya ng kwarto, para maglinis sa buong bahay dahil sinabi kong dito na ako titira. Konti lamang ang dala kong damit, pero makakabili parin naman ako hindi nga lang muna ngayon, baka may makakilala saakin. 




Nag ayos lang ako ng gamit at nagpalit na ako ng sim card bago ako lumabas ng metro manila, nag deactivate rin ako ng account ko. I isolated myself from anyone, mabuti na ito para walang madamay. 



Nagpahinga ako matapos iayos ang gamit, nagising na lamang ng ala sais ng umaga. Pagbangon ay naligo ako agad saka ako bumaba, naabutan kong nakabukas ang tv at nasa headlines si Mike. 



May kakaiba sa aura niya sa tv, malamang ay nakita na niya ang note ko. Pati na rin ang sing sing, tumayo ako para dumiretso na sa dining area.




Narinig kong nag uusap usap ang mga kasambahay namin, tungkol sa kung gaano nila hinahangaan si Mike. Napangiti naman ako roon, pero nakaramdam ng lungkot. 




"Tingin mo may gf na 'yang si Senator?" Tanong nung mas bata naming kasambahay. 



"'Yung mga gan'yang tindigan, satingin ko meron na" 



"Aba! Ang swerte naman ng gf niya". 





Ang swerte nga… 





Umakyat na ako sa taas, para isulat ang plano kong artikulo. Pinag isipan ko itong maigi, gusto kong mag mukha itong diary ngunit patungkol sa mga kawalanghiyaan ni Salazar. 





Ang Unang araw…



Nilagay ko roon ang mga nangyari sa'kin sa probinsya, ang bawat pangyayaring hindi ko inaasahang mangyayari sa'kin. Ang bawat araw ay nagiging tahimik pa lalo, pero hindi ko 'yon alintana. 




Gumigising ako sa umaga para mag agahan at mag treadmill na andito sa mismong bahay namin, sa tanghali ay magsisimula nang magsulat. Sa hapon ay aakyat sa roof deck ng bahay at titignan ang kahel na langit nagbabadyang ang araw ay lulubog at mamamayani nanaman ang dilim, kasama nito ang buwan at ang mga bituin. 




Gano'n muli ang nangyari ng mga sumunod na araw, ang kaarawan ni Mike ay pinagdiwang ko ng ako lamang. Para akong ewan kasi nasa harapan ko ang isang cake na ako mismo ang nag bake, na sana ay makarating sa kanya pero… imposible. 




Dinalaw ako ni kuya rito ng disyembre, para maghatid lamang ng mga kakailanganin ko. Umalis sila sa bahay namin, at lumayo rin. Hanggang ngayon ay ramdam ko parin ang takot, pero walang mangyayari kung ayon lagi ang paiiralin ko. 




"Huwag kang mag alala kay mommy, ayos na siya at nagtatrabaho na muli". Balita ni kuya, tumango naman ako. 




"Mabuti kung ganoon" 





Chasing You (Senior High Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon