XVII.

403 8 4
                                    

Walang mapagsidlan ang aking ligaya,
Nakangiti lang ako dahil sa sobrang saya.
Abala ang lahat, paroon at parito;
Ang sarap sa pakiramdam ng ganito.

Dalawang araw lang dito sina Ate sa bahay.
Mapapangasawa niya'y sadyang malumanay.
Marami pa kasi silang dapat asikasuhin,
Sa pagiging abay, ako'y kukuhanin.

Parang ang sarap magpakasal sa tamang tao;
Walang pagsisisi sapagkat siya'y mahal mo.
Naalala ko na naman tuloy si Arman,
Sana, siya na ang aking maging kasintahan.

Libre lang naman ang mangarap,
Siya lang ang ninanais ko sa hinaharap.
Tibay at lakas ng loob ang kailangan ko,
Walang mangyayari kung tutunganga lang ako.

SilakboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon