Tila ba ako'y tinubuan ng ugat,
Ang lapit na namin, kamukatmukat.
'Di ko alam kung paano siya babatiin,
Umiiral ang aking pagiging mahiyain.Natatandaan niya pa kaya ako?
Mabigyang pansin ang tulad ko?
Lakas ng loob ang aking kailangan.
Heto na, dapat ko nang simulan.Nakadungaw ang ilan sa pasimano.
"Isang pagbati, Arman," turan ko.
Ipinikit ko ang aking mga mata,
Ako kaya'y pansinin niya?Umalingawngaw ang tawanan,
Gumawa lang ako ng kahihiyan.
Hindi ko alam ang gagawin,
Puso'y 'di na dapat sundin.
BINABASA MO ANG
Silakbo
PoetrySa pagdalisdis ng damdamin, ito ba'y dapat sundin? Makapangyarihan ang pag-ibig, ika'y ba'y magpapalupig?