VIII.

720 21 59
                                    

Panibagong araw ulit,
Sana naman, masulit.
Maganda ang gising ko,
Siya, sinta raw ay ako.

Ano ba 'yan, 'di na ako makapaghintay;
Laman siya ng aking pagninilay-nilay.
Alam kong makikita ko siya mamaya,
Isantabi dapat ang pagiging madiwara.

Nakaayos na ang aking gamit,
Kaunti lang ang aking bitbit.
Mahirap pagpawisan sa daan,
Nakakawala ng kagandahan.

Itodo mo na 'to, Teresa.
'Di ka dapat mahiya sa kanya.
Huwag sayangin ang oras,
Pagkakataon, baka lumagaslas.

SilakboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon