XXXVIII.

44 2 0
                                    

Hindi ko napigilan ang aking mga paa,
Heto ako ngayon at kasama sila.
Kumakabog ang aking dibdib,
Tila ba na ako sa kanila'y nakikianib.

Maganda naman ang pinuntahan namin,
'Di mo aasahan na marami ritong mahinhin.
Dumadagundong ang musika sa paligid,
Mga tao'y tila ba nakalaya sa bilibid.

"Halina't magsaya, kalimutan ang mga problema!"
Nakangisi at patalon-talon na sambit ni Isabela.
Tuwang-tuwa rin sina Betina at Lolita,
Heto pa rin ako, kakaba-kaba.

Ngayon lang ako nakapasok dito,
Tama ba na ako ay pumarito?
Pawang ang iba sa kanila'y mga lasing na,
Ang iniisip na lamang ay magpakasaya.

SilakboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon