Ang bilis tumakbo ng oras,
Tumungo ako sa kasilyas.
Walang masyadong tao,
Guminhawa pakiramdam ko.Habang naghuhugas ako ng kamay,
Mga tao'y dumating nang pautay-utay.
Narito na naman ang mga dalahira,
Tila nakapostura nang magara.Akmang lalabas na 'ko
Ngunit ako'y napahinto.
Narinig ko ang pangalan niya,
Siya na naman ang bida.Pabalik na 'ko sa 'ming silid,
Heto, bigla ulit akong naumid.
Makakasalubong ko siya...
Puso ko'y nagdiriwang sa saya.
BINABASA MO ANG
Silakbo
PoetrySa pagdalisdis ng damdamin, ito ba'y dapat sundin? Makapangyarihan ang pag-ibig, ika'y ba'y magpapalupig?