XXIX.

104 4 0
                                    

Ayon sa mga haka-haka,
Ang kutob ko nga'y tama.
Si Arman ay mayroon ng jowa,
Heto 'ko sa isang sulok, kawawa.

Puso ko'y nasadlak sa dusa,
Tumataghoy na parang aba.
Tila naglalaho aking mga pangarap,
Pamimighati ay unti-unting nalalasap.

Wala na, wala nang pag-asa,
Teresa, sumuko ka na.
Marami pa naman d'yan na iba,
May ibibigay sa 'yo ang tadhana.

Kahit ano pang pagwaksi ang gawin ko,
Sa isip ko, siya pa rin ang tumatakbo.
Ako ma'y nakukunsumido sa babae niya,
Ako pa ri'y nagtitimpi, sa kaniyang ikaliligaya.

SilakboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon