XI.

675 18 62
                                    

"Maraming salamat, binibini!"
Pag-asa ko'y tila nagkasindi.
Boses niyang 'di ko nalilimutan,
Humuhuni sa aking isipan.

Sumambulat ang ngiti sa 'king mukha,
Hindi naman pala ako napahiya.
Nagdiriwang sa saya ang aking puso,
Pangamba ay tila naglaho.

Simpleng tugon lang 'yon,
Tadhana sa 'ki'y nakikiayon.
Sa kaniyang paglakad palayo,
Natunaw ang tila panibugho.

Sa susunod, gagalingan ko pa.
Dapat magtama ulit aming mata.
Arman, magiging akin ka.
Alaala'y bubuohin nating dalawa.

SilakboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon