IV.

914 30 57
                                    

Ang lamig ng kaniyang paghimig,
Hindi maisantabi aking kilig.
Masasabing siya ay nasa tono,
Lubhang napukaw ang puso ko.

Timbre ng boses niya'y maganda.
Tainga ko'y sadyang nahalina.
Sana, magkatabi kaming dalawa
Na tila ako ang kaniyang sinta.

Lumungkot bigla ang kaniyang tinig,
Nawa'y makulong ko siya sa 'king bisig.
Maiparamdam na 'di siya nag-iisa,
Narito ako para damayan siya.

Napaigtad ako sa aking kinatatayuan,
Lumingon siya at ako'y namataan.
Kaming dalawa ay nagkatitigan,
Heto na naman ako, kinakabahan.

SilakboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon