Sinangag, hotdog, at itlog
Sa umaga, sa aki'y bumubusog.
Samahan pa ng manggang hinog,
Ay, sa tiyan ko'y aalog-alog.Tahimik na paligid sa aki'y bumungad.
Mga bulaklak ay namumukadkad.
Uumpisahan ko na ang paglalakad,
Sa eskuwela ako'y papadpad.Habang nilalandas ko ang daan,
Nakasalubong ang dating kaibigan.
Heto na naman sa pakikipagplastikan,
Kaya tamang ngiti lang bilang batian.Marami na siyang atraso sa akin,
Sinaktan paulit-ulit aking damdamin.
Ngunit galit 'di ko nagawang itanim,
Bawasan dapat ang paninimdim.
BINABASA MO ANG
Silakbo
PoetrySa pagdalisdis ng damdamin, ito ba'y dapat sundin? Makapangyarihan ang pag-ibig, ika'y ba'y magpapalupig?