Nairaos ko naman ang pagsusulit,
Sa tawa, ako'y napabunghalit.
Aming guro'y 'di magkandaugaga,
Mga kaklase'y aligagang-aligaga.Payapa kong nilisan ang silid,
Namasyal saglit sa may paligid.
Kay sarap samyuin ng sariwang hangin,
Mga ibon ay tila agaw-pansin.Isang tinig sa aki'y bumighani,
Pagkanta niya'y nakakabatobalani.
Tinungo ko kung saan 'yon galing,
Sapagkat ako'y labis na nahumaling.Tila ako'y napatigagal nang makita siya,
Hindi maintindihan aking nadarama.
Bakit ba ayaw niya akong tigilan?
Sumidhi tuloy ang aking kalooban.
BINABASA MO ANG
Silakbo
PoetrySa pagdalisdis ng damdamin, ito ba'y dapat sundin? Makapangyarihan ang pag-ibig, ika'y ba'y magpapalupig?