Nagsimula lang ako sa patikim-tikim,
Sabi nila, ilabas ko raw ang aking kinikimkim.
Sinunod ko naman ang minungkahi nila,
Iwinaksi ang pait na nadarama.Pag-alala kay Arman ay dapat ng kalimutan,
Pagtangi ay dapat na ring tuldukan.
Pag-aari na siya ng iba,
Siya sa aki'y walang gana.Ngayon ko lang naranasan na magpakalunod sa alak,
Tiyak na maghahalo mamaya ang pag-iyak at paghalakhak.
Medyo nakakaramdam na ako ng hilo,
Unti-unti na ring umiikot ang paningin ko.Pinapahinga muna nila 'ko nang bahagya,
Pagninilay-nilay ay nagsimula...
Mga pasakit at pighati na aking naramdaman,
Bumuhos at pumutok sa isang upuan.
BINABASA MO ANG
Silakbo
PoetrySa pagdalisdis ng damdamin, ito ba'y dapat sundin? Makapangyarihan ang pag-ibig, ika'y ba'y magpapalupig?