Ang bilis ng tibok ng aking puso,
Sa isipan ay 'di siya naglalaho.
Paano ko siya makalilimutan?
Damdami'y walang pakundangan.Nagtatakbo ako palayo kanina.
Pagnanasa'y ayaw nang lumalim pa.
Nakakatunaw ang kaniyang titig,
Presensiya niya'y nakakaligalig.Matagal ko ng pangarap 'to,
Mapansin niya ang isang tulad ko.
Sinayang ko ang pagkakataon,
Nanghihinayang tuloy ako ngayon.Ang tiyansa'y bigla kong tinapon;
Kung makikiayon sa 'kin ang panahon,
Isasagawa ko na ang aking layon.
Teresa, tuloy ang hamon.
BINABASA MO ANG
Silakbo
PoetrySa pagdalisdis ng damdamin, ito ba'y dapat sundin? Makapangyarihan ang pag-ibig, ika'y ba'y magpapalupig?